"Kumusta?" tanong ni Ethan. "Okay naman," sagot ko. Naglalakad kami ngayon papuntang school. Kanina pa kami tahimik at siguro sinusubukan niyang hindi maging awkward ang paligid. "Ay oo nga pala may pinapabigay sa'yo si Mama." May kinuha siya sa bag niya at nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang isang box ng selpon na bagong labas lang ngayon. Nakatingin lang ako sa box nang matagal dahil nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi dahil sa pagkakaalam ko ay sobrang mahal no'n. "Nangangawit na ako," pabirong sabi ni Ethan. "M-mukhang hindi ko ata matatanggap iyan-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Ayaw ni Mama nang tinatanggihan siya, masaya pa naman siya nang bilhin niya ito para sa iyo," pangkokonsensya niya. Napakamot naman ako sa ulo ko at tinanggap

