Nabitawan ng lalaki si Elle kaya kaagad na tumakbo si Elle papalapit sa akin. Binigay niya sa akin ang kwintas ko dahil nahulog iyon ng lalaki at kinuha niya iyon bago siya tumakbo papalapit sa akin. Kaagad kong sinuot ang kwintas ko upang protektahan kami. Lumapit kami ni Elle kay Ethan. Hinawakan ko ang kwintas ko at hinawakan ang lubid na nakatali kay Ethan. Gamit ang enerhiya ko, natunaw ang lubid na hawak ko at kaagad naming tinanggal ang lubid na nakatali sa katawan niya. Niyakap niya kaming dalawa ni Elle kaya niyakap din namin siya pabalik. Hinalikan niya ang noo namin at nagpapasalamat dahil okay lang kami. Kahit na medyo nanghihina pa kami. Ramdam mo talaga sa kaniya ang sobrang pag-aalala niya sa amin. Well lahat naman kami sobra ang pag-aalala sa isa't isa. Nilapit ko sil

