Valentine's Day na ngayon kaya makikita mo sa gilid-gilid ang mga nagbebenta ng mga flowers. Papunta ako ngayon sa school at naisipan kong bumili ng dalawang flowers para kay Elle at Ethan. "Salamat po," wika ko nang matanggap ang sukli ko. Rose ang binili ko para kay Elle habang ang kay Ethan naman ay sunflower. Sana lang ay magustuhan nila. Nakapunta na lang ako ng school ay wala pa rin silang dalawa kaya lumabas na lang ako sa tapat ng room at doon ay tiningnan ang mga estudyanteng nag-aasikaso ng kaniya-kaniyang booth. Katulad na lamang ng marriage booth kung saan ay maaari kang kunwaring ikasal sa taong gusto mo. Basta mapapayag mo siya at makapagpalista kayo. Meron ding jail booth kung saan ay magtatago sila ng patibong sa buong school at kapag may estudyanteng nakaapak sa patib

