Dumating na ang araw ng moving up namin. Nandito kami ngayon sa room habang nagre-ready. Kasama nila ang mga magulang nila. Si Elle naman ay kasama ang lola niya. Kaagad kaming nagpakilala sa lola niya at pinakilala rin naman kami ni Elle bilang kaibigan niya. Ngayon lang kami nagkita ng lola niya at ang lola niya pa lang ang kamag-anak niya na una naming nakita. Hindi pa namin nakikita ang mga magulang niya at ang iba niya pang kamag-anak dahil minsan kapag napapagpasyahan naming pumunta sa kanila ay kaagad siyang tumatanggi kaya nirerespeto na lang namin siya dahil alam namin na may dahilan siya kaya gano'n. Mabait ang lola ni Elle at kaagad namin itong nakasundo. Nandito na rin sila Tita Rose at Tito Jacques. Sa aming magkakaklase ay ako na lang ang walang magulang. Hindi ko na in

