Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung sagutin ko si Ethan. Sobrang saya niya na halos kulang na lang ay ipagsigawan niya sa mundo na kami na. Nung una ay hindi pa rin siya makapaniwala pero nung natauhan siya ay hindi na maitigil ang kasiyahan niya. Nandito ako ngayon kila Ethan at hinihintay siya dahil may date kami. Umalis kasi siya kasama sina Tita Rose at mga kasambahay nila dahil nagpasama si Tita Rose. Ang tanging nasa bahay lang nila nung pumunta ako ay si Tito Jacques. "Oh ito iha, kape," wika ni Tito Jacques at ibinigay sa'kin ang kapeng itinimpla niya. "Salamat po tito." Tinanggap ko ang kape na ibinigay niya at dahil mainit pa ay inilapag ko muna ito sa table na nasa harapan ko. "So kumusta naman kayo ni Ethan? Masaya naman ba kayo?" tanong ni Tito Jacques. "Opo,

