"Sorry," wika niya at tumingin sa'kin. "Hindi ko sinasadya ang nangyari Stella," dugtong niya pa. "Maniwala ka sa'kin." Ramdam kong tapat siya sa sinasabi niya. May kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. "Hinding hindi ko magagawa sa'yo 'yon Stella. Mataas ang respeto ko sa'yo," pangungumbinsi niya. "Nakakaya mo nga akong bullyhin eh, tingin mo paniniwalaan kita?" galit na sabi ko. "B-binubully lang naman kita para magpapansin sa'yo eh pero ibang usapan 'yung nangyari--" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako. "Gusto kitang kausapin kasi akala ko manghihingi ka lang ng tawad. Iyon pala ay itatanggi mo rin ang nangyari," wika ko at tumayo at akmang aalis pero hinawakan niya ang kamay ko. Lumapit sa'min ang ilang pulis upang awatin si Billy pero pinigilan ko sila dahil

