Sa tuwing aalukin s'ya ni Ethan na pakasalan n'ya ito ay lagi s'yang tumatanggi. Bakit? Dahil ang gusto n'ya pagkatapos na lang sana n'yang manganak saka sila nito magpakasal. Alam n'yang sobra na ang pagtatampo nito sa kanya dahil hindi lang iisang beses n'ya itong tinanggihan kundi paulit-ulit. "Ethan, nasaan ka?" Lumabas s'ya ng kuwarto dahil napapadalas na ang pagsakit ng tiyan n'ya. Sabi ng doktor n'ya sa susunod na linggo pa naman ang araw na nakatakda s'yang manganak. Pero base sa nararamdaman n'ya ngayon mukhang hindi na ito aabot sa isang linggo. "Ethan! Ethan!" paulit-ulit n'yang tawag sa pangalan nito. Hindi kasi ito sumasagot kanina pa. "Hey, what's wrong? Bakit ka sumisigaw? Nando'n lang ako sa kusina nagluluto." "Ang sakit na!" aniya habang hinahawakan ang tiyan n'y

