"Wala ka bang balak pumasok sa opisina mo, Ethan?" tanong sa kanya ni Yna. Anim na buwan na ang nakalipas nang isilang nito ang panganay nilang si Ian Rain. Kaya anim na buwan na rin s'yang hindi pumapasok dahil baka pag-uwi n'ya wala na ang mag-ina n'ya. "I'm the boss, Yna. So, there's nothing to worry about," pormal n'yang pahayag habang nakadapa ang anak nila sa dibdib n'ya. "Ilapag mo na 'yang anak mo do'n sa crib n'ya tapos magluto ka ng adobo," utos nito. "Nandiyan naman si Aling Rosa, si Aling Martha, sila na lang muna ang utusan mong magluto," aniya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nila na naroon. Nandito sila ngayon sa bahay nila dahil iyon ang gusto ng kuya Ivan n'ya. Gusto raw kasi nito pag-uwi sa trabaho nakikita nito ang nag-iisa nitong pamangkin. "Ikaw na lang!

