Today is Ian Rain's first birthday kaya nandito sila ngayon sa mansiyon nila. Gusto kasi ng daddy n'ya na dito ganapin ang unang kaarawan ng panganay nitong apo. Nandito rin ang mga kaibigan ni Ethan na sina Nick at Vince. Nagtatawanan sila ng biglang lumuhod si Ethan sa harapan ng daddy n'ya. Nang akmang lalapitan n'ya ito at sumenyas ito sa kanya kaya napahinto s'ya sa paglapit dito. Lahat ng taong naroon ay nakatingin sa direksiyon ng daddy n'ya at ni Ethan. Nakaupo sa kandungan ng daddy n'ya ang panganay nilang si Ian Rain. Nakangiti ito habang nakatingin kay Ethan na nakaluhod. "Tito," untag ni Ethan sa daddy n'ya. "Isang taon na po ang panganay namin ni Yna ngayon. Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na pakakasalan ko na po s'ya sa susunod na linggo." "Paano kung hindi a

