Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang maikasal sila ni Yna. Doon na rin sila nakatira sa townhouse na pag-aari n'ya. Lumuluwas na lang sila dito sa Maynila tuwing katapusan ng buwan. Iyon kasi ang hiling ng daddy nito. Ang kompanya nila ay pinagtutulungan pa rin nilang patakbuhin ng kuya Ivan n'ya. Personal n'yang pinupuntahan ang kompanya paminsan-minsan pero madalas ang kapatid n'ya ang humaharap sa lahat. Meetings, events or whatever. Ang kuya Ivan n'ya ang bahala sa lahat dahil alam naman nito kung ano ang mga dapat gawin. Halos lahat ng empleyado nila ay takot dito dahil nga ang mukha nito ay parang laging nagluluksa. Halos gabi-gabi naman silang nag-uusap kaya parang pumapasok na rin s'ya ng personal araw-araw. Pero dahil kabuwanan ni Yna ngayon sa pangalawa nilang an

