"Where the hell is she?" Madaling araw na pero hindi pa rin umuuwi si Yna. Kanina pa s'ya nag-aalala kahit hindi naman n'ya dapat maramdaman iyon. Tinawagan kasi siya ng mga magulang ni Carmina dahil miss na miss na nga raw s'ya ng mga ito kaya umalis muna s'ya saglit. Tinanong din s'ya ng mag-asawa kung mayroon na raw bang improvement sa kaso ng mga magulang n'ya. Nitong mga nakaraang araw din napapansin n'yang napapadalas ang pag-imbita ng mga ito sa kan'ya. Ang kuya n'ya naman ay gano'n din ang sistema. Sinabihan s'ya nitong huwag na muna s'yang lumabas kung maaari. Hindi nga dapat s'ya aalis kanina dahil gusto n'yang bantayan lagi si Yna. Napansin n'ya kasing lagi itong nawawala sa gabi pero sa tuwing gigising s'ya sa umaga ay mahimbing na itong natutulog sa sala. Pero ngayon

