Nang tumunog ang doorbell ay napangiti si Yna dahil alam n'yang dumating na ang dalawang tao na hinihintay n'ya. "Hi, guys!" bati n'ya sa dalawang lalaki na nakasuot lang ng pambahay. Pero kahit gano'n hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan ng mga ito. "Pumasok na kayo dahil marami tayong gagawin ngayon." May maganda rin pa lang dulot ang dalawa kahit papaano. "A-ano ba'ng sasabihin mo na hindi puwedeng sabihin sa telepono?" tanong kaagad ni Vince sa kan'ya pagdating na pagdating nito. "Simple lang. Maglalaba lang naman tayong tatlo," pormal n'yang saad sa dalawa. Napatuwid naman ito nang tayo. Parang niregaluhan ng bomba ang dalawa dahil kapwa hindi kaagad nakapagsalita. Nang makita ng dalawa kung gaano karami ang mga labahan ni Ethan ay para itong nanghina. Limang laundry basket b

