Dahil sa sobrang inis na nararamdaman ni Ethan ngayon ay napagdesisyunan niyang yayain ang dalawa niyang kaibigan na si Nick at Vince na magtungo sa Vnight bar. Tutal nandito naman ngayon ang dalawa kaya damay-damay na. Ang Vnight bar ay pag-aari ni Vince Villareal na isa sa mga abnormal niyang kaibigan. Ito rin ang lugar kung saan siya unang hinalikan sa labi ni Yna Dimaloko. Ang baliw at manyakis niyang Janitress na mukhang amazonang aswang. Ang lugar kung saan siya nito unang ininsulto dahil hindi raw siya masarap halikan at isa pa ang pangit daw ng pagmumukha niya. Ngayon naman ay sinagot-sagot siya nito at halos magwala pa sa opisina niya. That witch! Ipinapangako niya sa sarili niya na pahihirapan niya ang babaeng iyon sa sarili niyang mga kamay. He's furious right now! Da

