Alas-dose y media na nang-madaling araw ng maisipan ni Ethan na umuwi na dahil papasok pa siya kinabukasan at isa pa medyo nakakaramdam na rin siya nang kaunting pagkahilo. Kanina pa sana siya nakauwi kung hindi lang panay ang pigil nang dalawa niyang kaibigan dahil maaga pa naman daw. Kung umakto pa ang mga g*gong 'to akala mo mga anak na iiwanan ng mga magulang sa tuwing tatangkain niyang umalis. Si Vince nakahawak sa braso niya samantalang si Nick naman ay nakahawak sa hita niya. Para siyang hayop na kakatayin dahil ayaw siyang pakawalan ng mga kaibigan niyang may mga sira sa utak. Mga tang*nang 'to nakakahiya ang mga pinaggagawa. Ang ilan tuloy sa mga taong naroon ay napapatingin sa gawi nila. Baka akala ng mga ito matindi ang pangangailangan niya dahil pinagsabay niya ang dalawa

