Isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagpapakita si Yna kay Ethan. Hindi na kasi ito umuwi sa condo unit n'ya simula nang mag-away ito at si Carmina. Kung saan-saan n'ya na rin ito hinahanap pero hindi n'ya talaga ito makita. Siguro malaki ang galit nito sa kanya dahil imbes na ito ang alalayan n'ya ay si Carmina pa ang dinaluhan n'ya no'ng mga araw na 'yon. Ayaw na ayaw pa naman nitong dumidikit s'ya sa ibang babae. Paanong hindi n'ya aalalayan si Carmina? 'Yong mukha nito puro kalmot at 'yong suot nitong damit halos punit na rin ang unahan. At hindi n'ya alam kung ano pa ang mga ginawa ni Yna dahil paika-ika na nga rin ito kung maglakad. Iyon na rin ang pangalawang beses na nag-away ang dalawa. Kaya bago pa man lumala ang lahat hinatid n'ya na muna si Carmina pauwi sa

