Episode 47

2001 Words

Siya ang nagmaneho kaya mabilis lang silang nakarating sa lugar na pagdadalhan n'ya kay Mang Ato. Dadalhin n'ya ito sa headquarters para iharap kay Evo at sa daddy n'ya. Noong una hindi s'ya naniniwala dahil kung titingnan mo si Mang Ato, larawan ito nang isang mabuting ama. Lagi silang pinapaalalahan nito na mag-iingat silang dalawa ni Ivan sa tuwing umaalis sila. Maayos naman kasi ang pakikitungo nito sa kaniya pati na sa mga tauhan nila Ivan. Sabagay, may mga tao talaga na kung titingnan mo ay inosente pero ang kalooban ay mas masahol pa sa hayop. At sa tuwing babanggitin nito ang mga magulang nang dalawa ay naluluha pa ito. Sumisinghot-singhot at kalaunan ay humahagulgol pa. Kaya sinong maghihinala na isa pala ito sa mga kasangkapan kung bakit nawala ang mga magulang ni Ethan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD