Nagtataka si Ethan dahil ilang araw na n'yang hindi nakikita si Mang Ato. Ang sabi ng kapatid n'ya umuwi raw ito sa probinsiya nito sa Mindanao at hindi na raw ito babalik pa kahit kailan. Ang pagkakaalam n'ya kasi wala na itong kamag-anak kaya imposible talagang umuwi ito ng hindi nagpapaalam sa kanya. Tinanong n'ya ang kuya Ivan n'ya kung saan sa Mindanao pero hindi naman nito masabi sa kanya ang eksaktong lokasyon ng kinaroroonan ni Mang Ato. Napakalawak ng Mindanao para hulaan n'ya kung nasaan ito. Namimiss n'ya tuloy ang pagbubungkal nito ng lupa sa likuran ng bahay nila. Hindi ito basta-basta aalis ng walang dahilan. Baka naman kasi inaway ito ng kapatid n'ya. Itinuturing n'ya na rin kasing pangalawang ama si Mang Ato. Napabalik lang ang isip n'ya sa kasalukuyan ng biglang

