Hindi kaagad sila nakapagsalita ni Evo dahil sa mga ipinagtapat ng daddy n'ya. Hindi kasi sila makapaniwala dahil wala naman itong nababanggit na may nawawa pala s'yang kapatid. "Are you serious, Dad? Paano nangyari 'yon?" "Kanina pa ako nagkukuwento dito pero hindi kayo nakikinig sa 'kin!" sita nito sa kanila ni Evo. "Bakit nga hindi n'yo kaagad sinabi sa 'kin na may kapatid pala ako?" inis n'yang tanong sa ama. Umismid ito. "Dahil alam kong hindi ka titigil hanggat hindi mo nahahanap ang kapatid mo. Kilalang-kilala kita kaya alam ko kung gaano matigas ang ulo mo!" "Paano nga nangyari na may kapatid ako?" paulit-ulit n'yang tanong. "Kailangan ba idetalye ko pa kung paano namin nabuo ang kuya mo?" inis nitong wika sa kanila ni Evo. "Puwede rin naman." Hindi kasi s'ya makapaniwal

