"Queen, hindi pa ba tapos 'yang paglilihi mo?" kunot-noo na tanong sa kanya ni Evo. "Sa susunod 'wag ka nang magbuntis, ah! Nakakainis talaga!" inis nitong sigaw mula sa itaas ng puno. "Bakit ka na naman ba naiinis, Evo?" inosente n'yang tanong dito. "Ano ba sa tingin mo? Para akong aswang dito sa itaas ng puno dahil halos hindi na ako umaalis dito." "Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na 'wag ka nang umalis d'yan? Ikaw lang naman 'tong nagdesisyon na tumira ka d'yan sa itaas, ah. Wala naman akong sinasabi na manatili ka sa itaas hanggang sa hindi ako nanganganak," sagot n'ya kay Evo habang nakasakay s'ya sa duyan. Nagpabili kasi s'ya sa kapatid n'ya ng duyan. Ito na rin ang nagtali sa magkabilang puno ng mangga kung saan laging umaakyat si Evo. Nasa ibaba s'ya habang ang baliw ay nasa

