"Damn!" mura ni Ethan sa kawalan. Dapat sana masaya s'ya ngayon pero kabaliktaran ang nangyari. Naihilamos n'ya ang dalawang kamay sa kan'yang mukha. Sa sobrang inis n'ya parang gusto n'yang manakit ngayon. Paanong hindi s'ya magagalit? Mayroon lang naman nagpadala ng video sa kanya. Kitang-kita sa video na magkayakap ang kuya n'ya at si Yna sa madilim na bahagi ng bahay nila. At hindi lang 'yon ang dumurog sa puso n'ya dahil sinabi rin ng dalawa kung gaano nito kamahal ang isa't isa. Ayaw tanggapin ng utak n'ya ang mga bagay na nakita at narinig n'ya hanggang sa lapitan s'ya ni Carmina. Sinabi nito na niloloko raw s'ya ng kapatid n'ya at nang babaeng pinili n'yang mahalin. Hindi kaagad s'ya naniwala rito dahil kilala n'ya ang babae. Alam n'yang malaki ang galit nito kay

