Madilim na nang makarating sila ni Ethan sa townhouse na pag-aari nito. “Let's go.” Magkahawak ang mga kamay nila ni habang naglalakad sila papasok sa loob nito. “Ethan, I’m hungry,” bulong n’ya rito. “Let's eat then. Alam nang caretaker ko na darating tayo ngayon kaya naghanda sila ng mga kakainin natin," saad sa kanya ni Ethan. Umabrisete s'ya rito dahil medyo nahihiya s'ya ng kaunti. Naabutan nilang may dalawang taong naroon habang nag-uusap. Napangiti s'ya dahil pinag-uusapan ng dalawa si Ethan. Isang babae na medyo may edad na at isang binatilyo na sa tantiya niya ay kapareho n'ya lang ng edad. “Aling Nita,” tawag ni Ethan sa Ginang. Napalingon naman ito kaagad sa gawi nila. Halata sa mukha nito ang kasiyahan ng makita nito si Ethan dahil patakbo pa itong lumapit sa huli.

