Nakasandal si Ethan ngayon sa puno ng niyog habang habang nakahalukipkip. Pinagmamasdan n'ya kasi si Yna habang namimitas ito nang gulay kasama si Aling Nita sa lupang pag-aari n'ya. Mahigit isang linggo na rin silang nanatili sa townhouse n'ya. At wala ring nakaalam na nagbakasyon sila ni Yna kahit na ang kuya Ivan n'ya. Pati mga kaibigan n'ya hindi rin alam kung nasaan s'ya ngayon. Dahil kapag nalaman ng mga ito kung nasaan s'ya paniguradong susunod ang mga iyon. Ngayon lang kasi s'ya nagbakasyon nang medyo mahaba-haba. Kung hindi n'ya siguro kasama si Yna malamang matagal na siyang bumalik sa Maynila. Ayaw pa kasi nitong umuwi sa Maynila dahil hindi pa raw nito nasusulit ang pagbabakasyon nilang dalawa. Wala naman s'yang magawa kundi ang pagbigyan ito sa kagustuhan nito. Haba

