bc

BADGIRL (SSPG)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
11.7K
READ
contract marriage
family
HE
age gap
opposites attract
arranged marriage
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
city
office/work place
lawyer
substitute
like
intro-logo
Blurb

She's not the good girl he expect to marry. She's the badgirl he can't resist.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Welcome to Casa Vergara Miss Natasha Alonzo." Napanganga ako nang makalabas sa van na sinakyan at bumungad sa akin ang isang paraiso! "E-Eto na yun, manong? I mean s**t! Watdapak? Patay na ba ako? Shuta ang ganda naman!—" Mabilis kong tinakpan ang bibig nang paglingon ko sa driver ay napanganga din siya habang nakatitig sa akin. "Sorry po, napindot yung isang self ko hehe." mabilis kong bawi at napalunok. Tangina. Hindi pa nga nagsisimula ang misyon ko papalpak na agad dahil sa bibig kong to. Pero s**t! Paraiso na paraiso talaga ang datingan sa lugar na to! Hindi ko kailanman naisip na makakatapak ako sa puting buhangin ng beach! Dream come true ito! Parang Boracay! Pinigilan ko ang sariling haplusin ang buhangin dahil nagpapanggap nga pala akong mayaman at donya dito. "Para sa nanay at pangarap ko, kaya ko to. Dalawang buwan lang naman.." bulong ko sa sarili. "Dito po ang daan, Miss Natasha." saad ni Manong at nauna nang maglakad papasok sa malaking gate sa bandang kaliwa ko. Agad akong sumunod sa kaniya at napangiwi pa nang bumaon ang heels ko sa buhangin. Tangina bakit ba kasi ako pinagsuot ng heels ni Natasha! Kung hindi lang talaga ako nangangailangan ng pera ay hinding hindi ko tatanggapin ang alok ng babaeng yun eh. Pagkabukas ng gate ay mabilis kong inayos ang postura ko nang makita ko agad si Donya Clarita Vergara sa harap ng kaniyang mansion. Nag paskil agad ako ng matamis na ngiti sa aking labi habang papalapit ako sa kaniya. "Ohh, welcome to our small home, dear.." bati pa ng donya sa akin. "Good afternoon, abuela. It's so good to finally see you again!" nakangiti kong bati sabay beso sa kaniya. "I'm amazed. Ang laki ng pinagbago mo, hija. Wow!" bulalas niya pa habang hinahaplos ang aking buhok. Parang gusto kong ngumiwi dahil sa sinabi niya. Malaki po talaga ang pinagbago ko dahil hindi ho ako si Natasha. Sorry, donya. Trabaho lang to. Winelcome niya agad ako sa buong mansion nila. Small home daw eh sobrang lawak ng casa vergara! "Are you excited for your wedding, hija? Your mother told me how excited you are to marry my eldest grandson!" ngiting ngiting bati ng donya sa akin. Shit! Kinakabahan akong makaharap ang apo niya. Maganda naman si Donya. Siguro pangit ang asawa niya kaya panget din ang apo niya. Tsaka trenta y kwatro na ang apo niya jusko lord! Ang tanda na samantalang desi otso palang ako. Hindi lang halata dahil matured ako tingnan. Ikaw ba naman ma stressed ng ma stressed sa buhay. Ang kapal naman ng mukha ng panget at matandang iyon na mangarap ng mas batang asawa! "I am excited, abuela pero kinakabahan din po ako. I mean... it's been years mula ng makita ko ang apo niyo." pagsisinungaling ko pa. Pagkapasok namin sa mansion mismo ay halos mahulog ang panga ko sa ganda at lula! Yung chandelier nila grabe nakakasira ng mata dahil sa kintab! Mga brilyante iyon! Tiba tiba talaga kung sino man ang makakanakaw niyon eh. "Excuse me, senyora. Tumatawag po ang apo ninyo." saad ng isang babae. "Oh, I want to roam you around the area, hija but I need to answer my apo first. I think it's best kung magpapahinga ka muna sa kwarto hm?" magiliw niyang saad. Mas gusto ko din naman iyon dahil nakakatakot makipag usap sa donya. Mukha siyang strikta talaga! "Mayla, please accompany my granddaughter in law to her room." sambit ni donya. Binalingan niya ako at nag beso beso ulit kami bago siya tumalikod. "Uhm.. this way po madame." Pormal na saad ng dalagang babae sa akin. I think kaedaran ko lang siya eh. But since matured akong tingnan ay hindi halatang ang totoong edad ko. Pagkapasok sa kwarto ko at malakas akong napasinghap dahil sa ganda niyon! Nasa second floor ako at may balcony pa! Grey tsaka off white ang kulay sa kwarto kaya sobrang nakakarelax. I love this theme! Hindi siya super girly eh. "Oh my god!" bulalas ko at pabagsak na humiga sa malambot na kama. "Maiwan ko muna kayo, madame." nahihiyang paalam ng babae. "Thank you." tipid kong saad bago siya makalabas ng kwarto. "Thank you, Lord! Nakahiga din sa malambot na kama!" malakas kong bulalas. Gumulong gulong ako doon at nag tumbling tumbling pa. Ang sarap sa pakiramdam! Naka aircon pa ang kwarto ko kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa kakaibang ingay sa paligid. Kumunot ang aking noo at dahan dahang iminulat ang mga mata. Gayon na lamang ang pag igtad ko nang makitang maraming tao sa loob ng kwarto ko. "Puking— oh my gosh!" Mabilis kong inayos ang pagsasalita nang makita si donya Clarita sa aking harapan. "I'm sorry for disturbing you hija. But kailangan mo nang mag ayos or else malelate tayo sa wedding mo mismo." nakangiting pahayag niya na ikinaluwa ng mga mata ko. "P-Po?? Akala ko ba next week pa? Hala!" gulantang kong bulalas. Napaayos ako ng upo sa kama nang umupo si senyora sa gilid ng kama ko. "I know. Pero may business trip ang apo ko bukas at next next week pa ang balik niya kaya we only have today." marahang saad ni donya. "Edi, next next week nalang ang kasal?" Patanong at hindi sigurado kong sambit. Natawa si donya kaya napalunok ako. Sumenyas siyang lumabas muna ang ibang tao sa kwarto ko kaya agad silang sumunod at naiwan kaming dalawa sa kwarto ko. "I know you're excited, dear and part of it is kinakabahan ka din but we have to do this. Baka hindi na ako makaabot sa kasal niyo kung next next week pa." natatawa niya pang pahayag na ikinatigil ko. "Bakit ho? May sakit kayo?" diretso kong tanong. Dahan dahan siyang tumango kaya napalunok ako. "Bakit hindi mo alam? I already told your mother about my condition eh. Kaya gusto kong mag settle na ang kaisa isa kong apo bago ako mawala sa mundong ibabaw." sikmat niya pa. "Ahh nakalimutan po yatang sabihin ni mommy sa akin." pagpapalusot ko pero ang totoo ay hindi talaga sinabi sa akin ni Natasha ang tungkol dito. Bigla niyang inabot ang aking kamay at marahang hinaplos. "I like you, hija. Mula pagkabata ay gusto kita para sa apo ko. You have great family background and wala na akong nakikitang ibang babae ang babagay sa apo ko. I hope you don't change your mind about this.." pahayag niya pa. Mabilis akong umiling iling at tumayo sa kama. "Hindi po magbabago ang isip ko abuela." desidido kong saad. Kinuyom ko ang kamao. Malaking pera ang matatanggap ko mula sa totoong Natasha kapag natapos ko ang misyong ito. Dalawang buwan lang naman... pagkatapos nun ay pwede na akong lumayas at magpakalayo layo dala dala ang dalawang milyong pera. Lulunukin ko ang dignidad ko para sa aking nanay na nakahilata sa hospital. Kahit matanda, mataba, pangit, o panot pa yang apo ni senyora, bahala na. Ang pera ang importante.. Pera pampagamot sa nanay ko at para na rin maipagpatuloy ko na ang pag aaral ko kahit sa public school. Agad akong naligo at nagsuot ng roba. Pagkatapos kong maligo ay sunod sunod nang nagsipasukan ang kaninang mga taong pinalabas ni senyora. Kinabahan ako nang pinaupo nila ako sa upuan na kaharap ng bonggang salamin. "Goshh, ang ganda ganda niyo madam! Perfect na perfect ang tangos ng ilong! Parang mahihiya ang make up sayo!" puri pa ng isang bakla. Hindi siya halatang bakla dahil sa laki ang s**o niya at mahaba ang buhok. "Thank you. You're pretty din naman." anas ko dahil maganda naman talaga siya. Halos makatulog ako habang inaayusan nila ako. Napukaw lang ang diwa ko nang tumili ang baklang nakausap ko kanina. "Pak na pak! Sobrang perfect!" tili niya at malakas pang pumalakpak. Napatingin ako sa salamin at literal na umawang ang aking bibig dahil sa nakita ko. "Wow.." Mangha kong usap habang nakatitig sa pagmumukha ko. Ang ganda ganda ko nga! "Excuse me.. excuse me.." Napalingon kami nang may dumating na babaeng may bangs. May hila hila siyang box. "Nandito ang wedding gown. Ipasuot niyo na kay madam, nasa simbahan na ang groom!" nagmamadali niyang pahayag at mabilis na lumabas. Agad nila akong hinila at nagmamadaling isuot sa akin ang puting gown. Ngumiwi ako dahil ang bigat niyo! Tanginang damit to! "Aray!" daing ko nang sobrang higpit na hinila ng babae ang ribbon sa likod. "Ay sorry po madam." paumanhin niya pa at yumuko. Mabilis siyang pinalitan ng bakla at siya na ang nag adjust sa suot ko. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataong tingnan ang sarili muli sa salamin dahil iginiya nila agad ako papalabas ng kwarto hanggang sa labas ng bahay kung saan may naghihintay na... "Yan ang sasakyan ko?" hindi makapaniwala kong tanong. "Uhmm.. yes madam. Yan po ang nirequest ni sir Kalix eh." nag aalinlangang sagot ng driver sa akin sabay lahad sa akin ng isang pumpon ng bulaklak. Tinanggap ko iyon at malapad akong napangisi dahil s**t! First time kong makakasakay ng karuwahe! What the f**k! Sobrang tanda na siguro ng groom ko. Hindi alam ang salitang kotse! Pero naeexcite naman ako hehe.. Malapit lang ang simbahan. Malaking simbahan iyon at halatang matanda na ang simbahan dahil sa designs nito. Walang tao sa labas. Inalalayan ako ni kuyang driver ng karuwahe para makalabas at siya na din ang humawak sa pinto. "Papasok na ba?" tanong niya sa katawag niya. "Ready na po ba kayo ma'am?" tanong niya sa akin pagkatapos patayin ang tawag. Huminga muna ako ng malalim bago tumango. Bumilang siya ng tatlo at tuluyang itinulak ang pintuan kaya bumukas iyon. Nagulat ako sa lawak ng simbahan. Wala masyadong tao. Nasa dalawang row lang ng upuan ang may nakaupong bisita. Agad akong naglakad sa aisle nang makarinig ng matamis na kanta. Kinakabahan ako habang lumalapit.. Hindi ko pa masyadong nakikita ang groom ko. Medyo malabo na kasi ang mata ko kaka selpon eh. Dahil sa kaba ay sa sahig na lang ako napatitig. Para akong naiihi habang papalapit. Nanginig ang buong katawan ko at ramdam ko ang pamamasa ng aking kamay na may hawak na pumpon ng bulaklak. Mahigpit ko iyong hinawakan at nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maapakan ang dulo ng gown sa aking harapan kaya natumba ako. "Aray ko. Tangina naman kasi.." pabulong kong daing at napabuntong hininga. Nakarinig ako ng singhapan at tumigil ang tugtog. Biglang may isang kamay ang nakalahad sa aking harapan na ikinagulat ko. Dahan dahan akong napatingala at halos tumigil ang t***k ng puso ko nang makakita ng isang gwapong lalaki! Bigla sigurong nagkaroon ng hart hart ang mga mata ko nang makita ko siya. Ang sarap niyang titigan! Pero napabalik ako sa huwisyo nang mapansin ang naiinis niyang mukha. "Get up. Hindi sinabi sa akin ni abuela na lampa pala ang mapapangasawa ko. Tsk." malamig ang boses at walang emosyon niyang sambit bago hinawakan ang magkabilang balikat ko at marahas akong pinatayo na parang isa akong manequin na walang buhay at di nasasaktan. Gwapo na sana kaso ang sungit at pangit pa ang ugali! Hmp!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook