Marahil ay narinig niya ang pagtawag ko dahil sa isang iglap, unti unting gumalaw ang talukap ng mga mata niya. Mabagal. Parang hirap, pero nang tuluyang bumukas ang kanyang mga mata, nakita ko ang kislap doon. Ang parehong kislap na lagi kong nakikita tuwing nagigising siya sa umaga noong bata pa ako. “Anak…” halos pabulong niyang sambit, mahina pero malinaw. Doon tuluyang bumigay ang tuhod ko. Mabuti na lang ang nasa tabi ko sina Mara at Aza dahil kung hindi ay natumba na ako sa sahig. Inalalayan nila ako papasok sa kwarto hanggang sa makalapit sa kama ni nanay. Napaluhod ako sa gilid ng kama, mahigpit na hinawakan ang kamay niyang malamig at nanginginig. “Nay… ako po ‘to. Si Pula!” halos pasigaw na lumabas sa bibig ko habang tuluy tuloy ang buhos ng luha sa mga mata ko. “Pasensya

