"Hayyyy salamat naman lord!" bulalas ko ng matanggal na sa katawan ko ang mabigat na gown. Nag inat inat ako sandali at humarap pa sa full body mirror.
Naka panty at bra na lang ako. Kung pwede lang talagang ganito nalang lagi eh. Sobrang presko kasi sa pakiramdam.
Napabuntong hininga ako bago binuksan ang parang malaking kabinet kung saan ang mga damit na pwede kong suotin.
Hindi ko alam kung anong tawag dito basta para siyang kwarto sa loob ng kwarto ko. Bongga talaga ang mga mayayaman eh.
Kinuha ko agad ang nag iisang puting dress doon at lumabas na sa kwartong iyon. Inilapag ko sa kama at nameywang dahil backless dress iyon at medyo manipis pa.
"Grabe namang damit to. Hindi ko yata kayang suotin to." Namomroblema kong pahayag habang nakatitig sa dress.
Biglang tumunog ang de keypad kong cellphone na na nasa kabinet kaya mabilis ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello?" mahina kong usal.
"I heard about the wedding. Congratulations!"
Napangiwi ako ng marinig ang matinis na boses ni Natasha.
"Dalawang buwan lang, Natasha. Huwag mong kakalimutan ang usapan natin." malamig ang boses kong usal.
"Duhh? Of course, Red! Bye na, I have a date pa. Goodluck in there!" sikmat niya pa at mabilis akong pinatayan ng tawag.
Mabilis kong idinial ulit ang number niya dahil may sasabihin pa ako.
"What?!" may inis sa boses niya ng sinagot niya ang tawag.
"Baka pwedeng bumale muna, Natasha. Alam mo namang nasa ospital ang nanay ko eh. Ibabayad ko lang sa nagbantay sa kaniya doon na kapit bahay namin." mabilis kong saad.
"Argh! Fine! Just send me the details kung saan ko ipapadala.." tugon niya naman kaya napangiti ako.
"Salam—" hindi ko na natapos ang sinabi dahil naputol na agad ang tawag. Huminga ako ng malalim bago itinago ulit ang cellphone ko sa kabinet.
Kinuha ko ang dress at isusuot na sana iyon ng biglang bumukas ang pintuan.
"AHHHHH! Hayop! Bastos!"
Malakas kong sigaw ng makita si Kalix na pumasok sa loob ng kwarto. Agad kong itinabon ang dress na hawak sa aking katawan.
"Tsk. Don't worry, I'm not interested." masungit niyang saad at tuloy tuloy lang na naglakad papalapit sa kama at humiga pa doon.
"A-Anong ginagawa mo dito? L-Lumabas ka nga muna!" asik ko pa pero hindi niya ako pinansin.
"Bilisan mo ng magbihis diyan. Hinihintay tayo sa baba ng mga bisita." kalmado niyang pahayag habang nakapikit ang mga mata.
"Pano ako magbibihis eh nandito ka!" inis kong sikmat. Dumilat siya at tumagilid pa kaya nakaharap na siya sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ako interesado sa katawan mo, babae. Hindi ka nga sexy eh." nakangisi niyang pahayag kaya inis kong itinapon sa kaniya ang hawak hawak na dress.
Alam ko namang hindi ako sexy. Hindi niya na kailangang isambit iyon sa harapan ko.
"Ouch." daing niya at napahawak pa sa mukha niya. Mukhang natamaan siya ng hanger sa mukha.
"Buti nga sayo." bulong ko at padabog na hinila ang dress at naglakad papasok sa banyo.
Nang maisuot ang damit ay hindi ko alam kung lalabas pa ba ako.
Maganda ako, oo.
Pero medyo chubby talaga ako. May kurba naman ang aking katawan pero malaman iyon. May ibang nagsasabing sexy raw ako pero parang niloloko lang ako ng mga iyon.
Bagay naman sa akin ang dress. Hapit na hapit nito ang katawan ko pero medyo masikip sa bandang dibdib at pwet ko.
Sobrang na push ang boobs ko kaya halatang halata iyon.
Inayos ko nalang ang buhok ko bago naglakas loob na lumabas ng banyo.
Naabutan kong nakapikit si Kalix habang nakahilata padin sa kama.
"Tara na." ani ko kaya mabilis siyang nagdilat at napatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ng makita ako dahil natigilan siya saglit at tumikhim.
"Masikip yata ang dress?" kunot ang noo niyang tanong bago tumayo.
"Medyo lang." Tipid kong sagot bago naunang lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa nakasabay siya sa paglalakad ko.
Naramdaman ko ang hawak niya sa aking bewang ng makababa kami sa hagdan. Nasa labas ng mansion ang mga bisita, malawak naman kasi ang paligid ng mansion at maganda din.
"They're here!" rinig kong bulalas ni abuela kaya nagpaskil agad ako ng ngiti sa mga labi.
"Hello, abuela." bati ko kay Abuela.
"Oh my god! Hi! You're so gorgeous!" bulalas ng magandang babae sa akin. Umawang bahagya ang labi ko ng matitigan ko siya.
"Oh, hi. Thank you! Ang ganda mo din po." nakangiti kong pahayag.
"I'm Azalea by the way. Aza na lang for short. Gosh! Ngayon lang namin nalaman na may kasal pala kanina! This is my husband, Lucas." pahayag niya pa sabay hila sa asawa niyang nakikipag usap kay Kalix.
Medyo natawa ako doon. Hindi naman nag reklamo ang sinasabi niyang Lucas. Napangiti pa nga eh.
"Hi, Natasha. Naaalala mo pa ba ako? Laki mo na ah." nakangisi niyang pahayag. Ngumiwi ako dahil walang sinabi si Natasha tungkol sa mga kaibigan ni Kalix. Hindi ko sila kilalang lahat.
"Hindi na kita maalala eh." nakangiwi kong pahayag kaya natawa sila.
"Ako, Ako naaalala mo pa ba? I'm sure naaalala mo ako. Ako ba naman ang pinaka gwapo sa aming—"
"Hindi rin kita maalala." nakangiwi kong asik kaya mas natawa sila.
Napanganga ang lalaking sumingit at tumikhim.
"Sancho. Ako si Sancho." pakilala niya sabay lahad ng kamay sa aking harapan. Tatanggapin ko na sana iyon ng mabilis na tinampal ni Kalix ang kamay ng kaibigan niya.
"Aray! Seselos agad ah!" tukso pa nung Sancho.
"Gago ka." asik pa ni Kalix bago hinawakan ang kamay ko.
"Tara sa table." Anyaya niya sa mga kaibigan niya at naunang maglakad papunta doon. At dahil hawak hawak niya ang kamay ko ay nahila niya din ako.
"Nasaan pala si Logan?" tanong niya sa mga kaibigan.
"Papunta na daw— oh nandito na nga eh." sagot naman nung Sancho at naunang naupo sa upuan na nakapalibot sa may kalakihang mesa.
Napatingin kami sa mag asawang parating. May binata din sa likod nila.
Ang ga gwapo naman ng mga kaibigan ng asawa ko. Sinalubong namin sila, sumalubong din si abuela na kakalabas lang galing sa mansion.
"Magandang tanghali ho, senyora! Bumabata yata kayo?" Nakangiting salubong ng babaeng kasama nung sinasabi nilang Logan.
Napatingin ako sa magkahawak nilang kamay at napangiti ng makitang may singsing doon.
Mag asawa sila.
Bagay na bagay din sila kagaya nila Lucas at Aza. Maganda at gwapo. Sexy at macho.
"Bolera ka talaga, Mara. Anyways, welcome here." nakangiting sikmat ni abuela at nag beso beso sila.
"Good afternoon, abuela." bati din nung Logan at nung kasama nilang binata.
"Laki mo na, Ambrose. Where's Blaire?" wika ni abuela.
"Ayun, ayaw iwan ang kapatid niya kaya nasa bahay lang. hindi rin kami magtatagal dito senyora ha?" pahayag naman nung Mara at napatingin siya sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
"Hi! Hala ang ganda mo naman! Sexy pa! Wow! Sigurado ka na kay Kalix?" bulalas niya agad at hinawakan pa ang kamay ko.
"Natasha dear, this is Mara Gutierrez. Asawa siya ni Logan na kaibigan ng apo ko. Mara, this is my granddaughter in law, Natasha Marie Guerero." pakilala pa ni abuela.
"Nice to meet you, girl." Nakangiti at excited na sambit ni Mara.
"This is Logan Ambrose Gutierrez. Kaibigan ko." pakilala din ni Kalix sa akin. Tumango sa akin si Logan kaya pormal ko siyang nginitian.
"And this our their eldest son, Ambrose." pakilala din ni Mara sa anak nila. Lumapad ang ngiti ko dahil ang gwapo din ng bata.
"Hello po." bati niya sa akin.
"Hi!" bati ko agad pabalik.
"Ang ganda niyo po." saad niya habang nakatitig sa akin.
"Thank you, Ambrose." Saad ko.
Medyo na boost ang confidence ko dahil sa papuri nila. Kung kanina ay medyo nahihiya ako sa katawan ko dahil sa sinabi ni Kalix, ngayon ay confident na akong maglakad.
"Bata pa si Ambrose. Why are you smiling like that at him?" masungit na bulong sa akin ni Kalix habang naglalakad kami pabalik sa table kung nasaan ang ibang kaibigan niya.
Nasa huli kasi kami kaya walang nakakarinig.
"Anong sinasabi mo diyan?" asik ko at inirapan siya.
"Don't fool me, woman. Wala pang isang araw ng kasal natin nasa ibang lalaki na ang tingin mo. Tsk." bulong niya pa kaya biglang gumalaw ang kamay ko at tinampal siya.
"Ouch!" Daing niya at mapatigil pa sa paglalakad. Ngumisi ako.
"Hindi ko alam na seloso ka pala, Kalix. Pati bata hindi mo pinalagpas ah." nakangisi kong pahayag at nag flip hair pa sa harapan niya.
Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.
"Rinig mo ba ang sarili mo? Bakit ako magseselos eh hindi ka naman ka gandahan at hindi ka pa sexy. Wag kang papadala sa sinasabi nila. Ang taba mo kaya." inis niyang asik bago hinawakan ang kamay ko at hinila pabalik sa table.
Nagtagis ang bagang ko sa narinig.
Tanginang lalaki to. Lakas makahila ng confidence ah. Ang tabas ng dila. Sarap putulin.