BAGO tuluyang makalayo ay muling nilingon ni Virginia ang kawayanan. Nakita ng dalaga ang kaluluwa ng matandang lalaki at ng batang babaeng nakatayo at nakangiting kumakaway sa kanya. Ngumiti siya at gumanti ng pagkaway. Naluha siyang muli nang lumukob sa dalawang kaluluwa ang puting sinag, hanggang sa tuluyan nang higupin ng liwanag. "Matahimik nawa ang inyong mga kaluluwa," panalangin n'ya. DAHIL sa sinabi ni Virginia sa diskripsyon ng mga salarin, mabilis nalutas ang kaso ng panggagahasa at pagpatay sa likod ng kawayanan. Nadakip ang anim na kabataang mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng lugar. Ang isa sa limang magkakabarkada ang tumayong testigo sa karumal-dumal na krimeng nangyari. "Virginia! Virginia!" humahangos at malakas na sigaw ni Taweng mula sa labasan. "Punyeta ka bakla, ku

