CHAPTER 13 - Sa likod ng kawayanan

1659 Words

NAPANSIN agad ni Teresita ang pagkagitla sa mukha ni Virginia. Pasimple nitong kinalabit ang anak. Nang bahagyang tumango ang dalaga ay sinimulan na nito ang pagganap. Tumayo ito at sadyang pinadulas sa kamay ang hawak na baso. Bumagsak iyon sa sahig. Basag! Umagaw iyon ng pansin. Nagtinginan ang lahat sa umaakting na ginang. Maging si Taweng na nakikipag-usap sa kapwa baklang nakilala ay napalapit agad. "Narito siya. Nakatingin sa atin!" pagbabalita nito. Sinisigurong malinaw na naririnig ng lahat na naroon ang sinabi. Bahagya pa nitong pinanginginig ang tinig. Nag-anasan naman ang pamilyang naroroon. Ang ilan ay natutop pa ang mga bibig at impit na napaiyak. Napatingin si Taweng sa kaibigan. Nasakyan na rin ang pag-arte ng ginang. Alam nitong may nakikita na si Virginia. Nangingilab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD