NATUNUGAN agad ni Mrs. Arellano ang ibig mangyari ng dalaga kaya tumayo ito. Tumayo rin ang magkaibigan upang magbigay galang at magbakasakaling makamayan man lang ang matandang tiyahin ng ginang. "Hi, tita Atang!" baritonong tinig ng isang lalaki mula sa pintuan. Magkasabay na napatingin ang lahat sa lalaking dumating. "May visitors pala tayo. Hello, girls!" bati nito sa magkaibigan bago hinagkan sa pisngi ang ginang at pagkatapos ay sa matandang babae naman lumapit at humalik. "Girl, ang gwapo...." kinikilig na bulong ni Taweng kay Virginia. Mahinang pagsiko sa tagiliran ng kaibigan ang naging sagot ng dalaga. "Bakit ngayon ka lang umuwi?! Tatlong araw kang nawala ah!" singhal ng matandang babae. Napakamot sa ulo ang lalaki kasunod nang paglingon sa dalawang panauhin. "Ang Mama n

