“VIRGINIA, okey ka lang?" tanong ni Taweng sa natigilang dalaga. "H-ha? O-oo, Taweng. Okey lang ako," sagot ni Virgnia. "May nakita ka ba? Ano? Share naman d'yan," excited nitong bulong. Tuluyan na ngang nawala ang takot at palaging alerto sa kakaibang ikikilos ng kaibigan. "Saan ang room ni Madam Tereece?" tanong ng ginang. "Dito po Mrs. Arellano." Nagpatiuna na si Virginia papasok sa kinaroroonan ng inang naghihintay. Pasimple na lamang nilingon ang kaibigan at sinenyasan. "Magtrabaho ka na," galaw ng mga labi ng dalaga. Umirap si Taweng at saka ini-lock ang pintuan ng shop. Nagmamartsa at bubulung-bulong itong pumasok sa kubling sulok na kinaroroonan ng mga de-pindot na gadget at props. Sa loob ng tanggapan ni Teresita.. Itinago ng pekeng manghuhula ang pananabik pagkakakita sa ma

