Clark's POV "Halika rito." Nakaupo sila sa ilalim ng mangga kung saan sila naglagay ng lamesa at mga mono-block chairs. Naupo ako sa tabi ni Kuya Von at inabutan nila ako ng baso ng alak. "Balita ko nabutas mga bangka mo ah?" tanong ni Kuya Carlo. "Oo Kuya eh." "'Wag ka na mag Kuya sa amin. Halos magkaka edaran lang naman tayo. Baka nga matanda ka pa sa akin eh! Hahaha!" Pabiro niya akong siniko, "Si Kuya Miko ata ang kaedad mo." "Ah sige, haha." I awkwardly laugh. Napapalibutan ba naman nila ako. "Pero napalitan mo naman daw kaagad diba? Mas maganda pa nga raw." Nakangiti si Miko pero puno ng pagdududa ang mga mata niya, "Yung mga bangka," pagpapatuloy niya. "Ah oo, para na rin may matuluyan mga mangingisda." "Nakita ko nga, ayos 'yon malaking tulong 'yon sa mga nangingisda." Ti

