XXV

1005 Words

Claire's POV "Sige naman na ngayon lang naman ako lalapit eh. Parang ibang tao naman ako nyan sa 'yo." Nakatayo kaming magkakapatid sa upuan at pilit pinakikinggan ang usapan ni Papa at ni Tito June sa labas, nakikinig kami sa bintana habang nagsisiksikan. "Ano ba, wag kang magulo!" pabulong na sita ni Kuya Von. "'Wag kayong maingay wala tayong marinig." "Eto eh!" Panay away pa silang tatlo kaya lalo akong naiirita. "Eh alam mo naman at mahina na ang pangingisda ko ngayon. Noong kasagsagang meron alam mo naman di ko kayo pinababayaan." Himas-himas ni Papa ang manok niya at halatang hindi na siya kumportable kausap ang kapatid ni Mama. "Alam ko naman 'yon, ayaw naman kitang pilitin. Pero kailangan ko talaga kasi naipatalo ko sa online sugal yung sahod ko ngayon alam mo naman si Rub

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD