Hindi na ako nagsayang pa ng oras, pagkatapos ko sa palengke ay dumiretso ako sa Munisipyo. Panay tunog ang messages ko dahil sa mga chat ni Clark pero hindi ko 'yon sinasagot. Inookupa ng galit ang utak ko, paano'y sinubukan kong kausapin ang mga katabi namin kanina pero ayaw makinig. FLASHBACK "Ate may kanya-kanya namang tapunan 'di po ba? Baka pwede namang 'wag niyo sa amin itambak ang mga pinaglinisan niyo." "Aba! Kayo 'tong nangaagaw ng mga suki, ibig sabihin ginusto niyo 'yan! Ayaw mong doon ko itapon? Oh edi sige, ayan oh!" Halos masuka ako sa pandidiri nang ibuhos niya sa akin ang palanggana na puno ng mga kaliskis lamang-loob, at maruming tubig. "Hahahahah! Buti nga!" "Ayan! Edi sa 'yo na lang itatapon!" Nakangisi pa siya sa akin. Para bang nagdilim ang paningin ko at na

