HANGGANG paggising ay masaya pa rin si Nicole. Kaagad naman yun napansin ng kanyang pamilya. Paano ba naman kasi ay napakahyper niya. “Abot langit ang ngiti ah?” puna sa kanya ni Jonathan kaya napangiti siya. Inaasikaso nito si Liam na papasok ng eskwela. Inirapan niya ito. “Mukhag may nangyari kagabi yata?” tanong naman ni Eunice. Si Tita Belen ay napasulyap sa kanya. Inabot niya ang kanyang kape at ininom iyon. “Mukhang nadiligan kagabi,” sabat ni Tita Belen kaya naibuga niya ang kape sa bibig. “Kinikilabutan kayo sa inyo!” bulalas niya kaya tawa nang tawa ang mga ito. “Nangyari talaga, Tita?” bulalas niyang tanong. “Ang advance niyo naman mag-isip.” “Kung ganun mahina pala si Alfonso,” sabat naman ni Jonathan na tumatawa. Mukhang siya ang talk of the town ngayon ng mga ito. Kay a

