KANINA pa hindi mapakali si Nicole dahil excited siya sa dinner date nila ni Alfonso. Dinner date ang iniisip niyang gagawin nila kahit pa palagi naman sa bahay lang ito nagyayaya. Magluluto lang ito pagkatapos ay yayayain siyang magdinner at pagkatapos non ay ihahatid na siya. Routine na nga yata iyon sa kanilang dalawa. "Hoy!" untag sa kanya ng ina ni Eunice. Sa bahay ng mga ito siya tumuloy dahil malapit lamang iyon sa bahay ni Alfonso. Mas gusto niyang matulog dito dahil gusto niyang makita palagi si Alfonso. "Tita naman eh! Nanggugulat ka!" reklamo niyang napahawak sa kanyang dibdib. "Paano ba naman kasi nagrereklamo na ang salamin. Baka mabasag yan! Nakakaloka kang bata ka!" "Si Tita naman, parang hindi mo pinagdaanan ito. Ganito talaga kapag na-inlove." "Ilang beses ka na ban

