ILANG araw silang magkasama ni Jonathan. Mga araw na puno ng masasayang samahan. Sinamahan siya nitong mag-ayos sa itatayo niyang restaurant. Tuwang-tuwa siya dahil hindi niya na kailangan pang humanap ng magaling na chef dahil nag volunteer na ito sa lahat ng kanyang kailangan. Ito na ang magbibigay sa kanya ng mga tauhan. Napakaasikaso ni Jonathan sa kanya ganoon rin sa anak nila. Bumabawi nga ito tulad ng pangako nito sa kanya. Hanggat maari ay yaw niyang masanay na palagi itong nasa tabi niya at baka hanap-hanapin niya lalo. Isa pa kailangan nitong bumalik sa Maynila dahil nandoon ang trabaho nito. Pansamantala silang kumakain ng dinner sa labas ng biglang mag-ring ang cellphone nito. Napansin niya ang pagkunot-noo nito nang mabasa sa screen kung sino ang tumatawag. Hindi niya nakita k

