Prologue:Love Me Or Leave Me
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang napaupo sa malambot na kama.
Ano bang naging problema? Kailan nagsimula itong problema? Bakit kailangan pang mamroblema? Bakit kami? Bakit kung kailan naroon na ay tsaka pa ito nangyayari? Paano maibabalik sa dati? O… Maibabalik pa nga ba sa dati?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ngunit wala akong makalap na sagot. Kahit isang sagot, kahit isang katiting sa sagot. Hindi ko alam kung saan ba ako makahahanap ng sagot sa mga katanungan kong wala na yatang hanggang maglilitawan sa aking isipan.
I love him. God knows how much I love him but… I’m tired. I’m so tired of what’s happening between us. Pinipilit kong lumaban, pinipilit kong ‘wag isuko, pinipilit ko ang sarili kong huwag munang mamahinga ngunit mukhang ito na ang desisyon ng tadhana para sa aming dalawa.
Kailangan na naming mamahinga kasi pareho kaming pagod na…
“Akala ko ba pahinga ka niya?” Mapait na natawa si Tate mula sa kabilang linya. “Pero, bakit napagod siya?”
“H-Hindi lang siya…”
“Alam ko. Alam kong pagod ka na pero, ‘di ba mahal mo siya?”
Hindi ako makasagot kahit alam ko naman ang sagot. Iisa lang naman ang sagot doon. Isang “oo” lang. Pero, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit natitigilan ako. Siguro ay dala na rin ng bigat ng dibdib ko.
“Hello, Audri? Still there?”
“N-Nandito pa ako…”
“Bakit hindi mo sinagot ‘yong tanong ko? You love him, right?”
“O-Oo naman,” napatango pa ako kahit alam kong hindi niya ako makikita. “I love him to the point that I’m so tired of understanding what’s happening between us.”
“That’s bullshit,” she bitterly chuckled. “So, what are your plans? Babalik ka ba sa inyo? Nag-usap na ba kayo? Where is he?”
“I don’t know,” I sighed. “Hindi ko pa siya nakikita simula kanina nang mag-away kami. Nabwisit sa akin kaya umalis. Iyon nga lang, hindi ko alam kung saan siya nagpunta.”
“E, paano kayo magu-usap niyan? Paano niyo aayusin ‘yan?”
I sighed once again. “Maaayos pa ba ‘to?”
“Kung pagu-usapan ninyo, aaminin niyo ang mga kasalanan niyo, at magkakapatawaran naman kayo ay maaayos niyo. Nasa inyo naman ‘yon kung aayusin niyo o tatapusin ninyo.”
“Hindi ko na alam, Tate. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Ibig kong sabihin, mahal ko naman siya pero hindi ko na maintindihan ‘to. Bobo na yata ako, Tate.”
“Ganiyan talaga, Audri. Sarap umibig, ‘no? Lasang tanga,” natawa siya. Saglit lang ang tawa niya dahil muli siyang sumeryoso sabay dagdag ng, “Itatama pa ba o tama na?”
“Hindi ko alam, Tate. Wala na akong alam…”
Natawa siyang muli. “Alamin mo muna. Sa ngayon, pag-usapan ninyo ni Kenzo ‘yan. Kilala ko ‘yan, mahal ka niyan. ‘Wag ka nang mag-alala riyan, hindi ka matitiis niyan. Mahal ka niyan.”
“S-Sana…”
Alam kong mali pero, nagdududa na ako. Pinagdududahan ko na ang pagmamahal niya na hindi naman dapat.
“Sige na, Audri. May trabaho pa ako. Kailangan pagtawag ko sa iyo mamaya, ayos na kayo ni Kenzo, ha? Manghihingi pa ako ng shanghai sa kasal niyo. Itatakwil ko kayong dalawa kapag walang shanghai sa kasal niyo.”
“Sige na, Tate.”
Natawa muna siya bago ibinaba ang linya. Matapos kong ibaba ang phone ko sa kama ay bumuntong hininga ako, napapaisip sa mga sinabi ni Tate.
Sa totoo lang ay tama si Tate. Nasa aming dalawa na iyon mamaya kung maga-ayos kami at papatawarin ang isa’t isa o patataasin ang pride at tatapusin na ang relasyon namin. Nanghihinayang ako, oo. Sa itinagal naming magkasamang dalawa, ngayon pa ba namin magagawang sumuko?
I know that he loves me, too, but I’m doubting his love. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong mga nararamdaman kong ganito, I feel to toxic. Nat-toxic na ang utak ko at sa totoo lang ay ayaw ko na nito. Hangga’t maaari ay gusto ko nang tapusin itong mga sakit at bigat na nararamdaman ko ngunit hindi ko alam kung paano.
“Itatama pa ba o tama na?”
Mapait akong natawa sa naibulalas ko, nakatulala sa kawalan. Matapos kong matawa, namalayan ko nalang ang isa-isang paglandas ng mga luha mula sa mata ko paibaba sa pisngi ko. I sighed and let my tears flow.
Tama si Mama at Papa. Kung hindi siguro kami nagmadali ni Trystan, e ‘di sana ay hindi kami nahihirapan nang ganito. Kung nakinig lang ako kina Mama at Papa ay baka hindi ako nasasaktan at napapagod ngayon. Sana pala ay nakinig na lang kami. Sana nakinig nalang ako sa kanila bago nagpadalos-dalos sa desisyon namin ni Trystan. Siguro kapag nalaman ni Mama itong nangyari sa amin ay tiyak na tatawanan niya ako.
I’m such a failure. I’m such a disappointment. Isa na iyon sa dahilan kung bakit naging mailap ako sa kanilang lahat, sa buong pamilya ko. Mahal ko sila ngunit ako na ang kusang dumistansya at nagtayo ng malaking pader mula sa kanila dahil ayaw kong mas lalo silang madismaya sa akin.
Noon palang ay dismayado na sila sa akin dahil sa pagbagsak ko sa board exams noong maga-Abogado ako, dadagdagan ko pa ba iyon? Siyempre nadagdagan ko na naman. Madidismaya na naman sila sa akin kapag nalaman nilang hindi na matibay ang relasyon namin ni Trystan at malapit na kaming bumitaw mula sa pagkapit nang mahigpit sa kamay ng isa’t isa.
“Audri.”
Natigil ako sa kinauupuan bago tiningala si Trystan na kapapasok lang sa kwarto namin. Walang kaemo-emosyon ang mukha niyang tinapunan ako ng tingin matapos hubarin ang suot niyang hoodie at hinagis iyon sa kung saan. Bumuntong hininga ako.
“Trystan.”
Hindi kami kumibo. Imbes na lumapit siya sa akin ay lumapit siya sa harap ng closet at sumandal doon. Pinagkrus niya ang braso niya at tinignan ako. Hindi ako nagsalita kahit pa kating-kati na ang bibig kong kausapin siya.
Halos ilang segundo rin kaming nagtititigan, binabalot ng matinding katahimikan bago kami kapwa nagsalita dahilan para magkasabay ang sasabihin naming dalawa.
“Kaya pa ba natin?”
Hindi kaagad kami nakasagot sa parehong tanong na naibulalas namin. Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam ang sagot. Baka wala na nga akong masagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.
Mahal ko siya pero… Kaya ko pa ba? Hindi ko na alam.
“H-Hindi ko na kaya, Audri.”
Umiwas siya ng tingin matapos sabihin iyon. Dahil sa narinig mula sa kaniya ay umiwas rin ako ng tingin kasabay ng unti-unting pagbagsak ng mga luha mula sa mata ko. Katulad ng ginawa ko kanina ay hinayaan ko silang magsilabasan para kahit papaano ay mailabas ko rin ang bigat na nasa dibdib ko.
“I-I’m so sorry, love… But I guess, I’m losing. Natatalo na ako sa larong ‘to ng tadhana.”
“L-Laro? Naririnig mo ba ‘yong sinasabi mo, Trystan?”
Hindi ko napigilan ang sarili ko, nagsalita na ako. Ang dali-dali niyang sabihin iyon na parang hindi ako nasasaktan rito sa tinatawag niyang “laro ng tadhana”? Sa tingin niya ba ay naglalaro lang kami rito? Ano ‘to? Bahay-bahayan at kunwari ay mag-asawa kami? Nahihibang na ba siya?
“Naglalaro lang ba tayo rito, Trystan? Laro lang ba ‘to lahat sayo?”
“O-Of course not, Audri,” I heard him sobbed. “Look, I love you, okay? But I’m so damn tired. Hindi ko na yata kaya sa ngayon. Siguro, kailangan nating magpahinga.”
Gusto kong matawa sa tuwing naaalala ko ‘yong sinabi ni Tate kanina. Tama naman kasi siya, e. Palaging sinasabi sa akin ni Trystan na ako raw ang pahinga niya pero bakit pagod na siya sa akin? Bakit pagod na siya sa amin?
Pero, tama rin naman si Trystan. Pagod na kaming pareho kaya kailangan naming magpahinga mula sa toxic relationship na ‘to. Hindi kami makapagpapahinga pareho kung hindi kami bibitaw sa isa’t isa kasi sa totoo lang, ang toxic namin sa isa’t isa kaya para maiwasan ang mga nakat-toxic na bagay, kailangan naming lumayo sa isa’t isa.
Tama siya. Iyon ang dapat naming gawin.
“Ginawa naman natin lahat, ‘di ba?” Umiiyak nang tanong ko.
Pinigilan ko namang huwag maiyak sa harapan niya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag maiyak lalo’t sa mga naiisip ko.
“Sinubukan naman natin, e,” he sobbed.
He’s crying, too. Nakikita ko iyon kahit pa nakatungo siya, pilit tinatago sa akin ang pag-iyak niya.
“P-Pero, pareho lang tayong napagod…” Bumuntong hininga ako.
“At kapag napagod, anong dapat na gawin?”
“M-Magpahinga.”
Tuluyan akong napahikbi nang sabay naming sagutin iyon. Tinakpan ko ang bibig ko at muling kumawala ng isang hikbi. Umiyak ako, hinayaan siyang makita iyon. Bakit ko naman ikahihiya sa kaniyang iniiyakan ko itong relasyon na ‘to?
“C-Choose one thing, Trystan,” muli kong sabi nang may maalala.
“A-Ano?”
“L-Love me or leave me?”
Noong una, hindi siya nakasagot. Ilang minuto pa ang inabot bago siya tuluyang nakasagot. Taliwas sa iniisip ko ang isasagot niya.
“W-We need to do the right thing, Audri. I love you but let’s just rest for now…”
“L-Love me or leave me?” Ulit ko sa tanong.
“L-Leave you,” his voice cracked. “Even though I l-love you…”
Dahil sa sagot niyang iyon, alam ko na ang kasagutan sa lahat nang tanong ko. Maski sa tanong ni Tate ay alam ko na ang sagot. Isang simpleng sagot niya lang ang nakapagpatanto sa akin.
Hindi na namin kayang itama kaya… Tama na.