Chapter 1:Proposal
"I-I... I failed the bar exams, Ma, Pa."
Sa sandaling ibinuka ko ang bibig ko at sinabi ang masamang resulta na nakuha ko kaninang hapon ay alam kong isang malakas na sampal ang matatanggap ko mula sa madidismaya kong mga magulang. Alam kong hindi lang iyon. They'll gonna stab me with their hurtful and sharp words as if it's a knife.
I don't know why I failed that damn bar exams, I don't know how. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko nang mga panahong 'yon dahilan para maibagsak ko iyon. Parang noon lang ay ako pa ang pinakamatalinong estudyante sa klase namin, ako palagi iyong topnotcher, ako palagi iyong Dean's lister. I'm always at the top. Ngunit... Bakit nangyari 'to? Dahil dito, alam kong mad-disappoint ko na naman ang parents ko. Palagi naman, e. Palagi nalang akong disappointment sa kanila. Wala namang ibang magaling sa kanila kung 'di ang pangalawa kong kapatid, si Aubriana.
Kung tutuusin ay kasalanan ko rin. Pero, I still did my best, right? I tried my best, I tried my best so damn hard but I guess that best is still not enough. Sabagay. Kahit ano namang pilit ko sa kanilang ginawa ko ang lahat, hindi pa rin sila naniniwala. Hindi naman nila nakita ang mga paghihirap ko para lang maigapang ko ang sarili ko at maging isang Abogado. Pangarap namin pareho 'yon ngunit sadyang may mga pangarap nga talagang mukhang hindi para sa atin...
"Hindi ba't sinabi kong mag-pokus kalang sa paga-aral mo at hindi sa boyfriend mo? Sinabi ko sayo, pero anong pinakinggan mo? Mas pinakinggan mo ang puso mo kaysa sa utak mo! Iyan ang problema sayo, Audrienne. Hindi ka naman namin pinalaking bobo pero sana manlang ay ginamit mo iyang utak mo. Isang simpleng examination lang 'yon, hindi mo pa naipasa?"
Gusto kong matawa sa narinig na lumabas mula sa bibig ni Mama.
Anong isang simpleng examination lang? Nagpapatawa ba siya?
Ilang gabi akong nag-aral, ilang gabi kong pinagtuunan ng pansin ang paga-aral na 'yan, halos hindi na nga ako matulog para lang mag-aral tapos ano ang makukuha ko? Nagsakripisyo ba ako para lang bumagsak sa isang "simpleng examination" lang? Ilang taon kong ginugol ang oras ko para lang sa Law School at sa paga-abogado ko para lang bumagsak sa isang "simpleng examination" lang?
"I'm disappointed," ani Mama, napasapo sa noo niya.
Ngumisi ako.
Palagi naman. May taon bang hindi siya na-disappoint sa akin?
Sa totoo lang, ang sama-sama na ng loob ko sa kanila. They're being unfair. I was never their favorite daughter. It's either si Aubriana o si Shayle ang pagtutuonan nila ng pansin. The hell, I'm trying my best to be a better person and daughter, para lang sa ano? Para lang ma-disappoint sila?
I built walls because of them. Nalayo ang loob ko sa kanila nang hindi nila napapansin dahil puro sarili lang nila ang iniisip nila. Hindi nila makita ang mga paghihirap ko para lang patunayan ang sarili ko sa pamilyang 'to. Hindi nila alam lahat nang sakit at hirap na pinagdaanan ko, makita lang na nas-satisfy sila sa ginagawa ko. Ngunit, may narinig ba silang reklamo mula sa akin? Kahit kailan, wala silang narinig. Ni katingting na salita ay wala silang narinig dahil lahat-lahat, tinanggap ko kahit alam kong ikasasakit na ng nararamdaman ko.
Panganay ako, kung patalinuhan lang naman kumpara sa mga kapatid ko ay tiyak na panalo ako. Kailan ba sila naging proud sa akin dahil sa mga achievements and recognitions na natanggap ko? Kailan ba sila pumunta sa recognition day ko? Wala. Sa buong pamilya ko, si Vern lang naman ang nariyan para sa akin. Si Vern pa na pinsan ko lang.
"Audri, are you listening?"
"H-Ha?"
Natawa siya at binatukan ako na siyang ikinasama ng tingin ko sa kaniya. Tanging sama lang ng tingin ang iginanti ko sa kaniya.
"Lutang ka na naman. 'Yong totoo, kailan ka pa naging palitaw?"
"Huh?" Nangunot ang noo ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya.
"Audrienne, you're so slow," tinapik niya ang noo ko kaya napapikit ako. "Are you nuts? I asked you kung kailan ka pa naging palitaw, 'cause you know, you're spacing out. Lutang ba."
Inirapan ko siya. "I don't have time for your nonsense, Vernus."
"Yuck! It's Vern, okay?"
"Okay, Vernus," I smirked.
"Audrienne!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Okay, okay! Calm down, bro!"
Kapwa kami natawa pagkatapos.
Isa ito sa dahilan kung bakit kaming dalawa ni Vern ang palaging magkasama. To be honest, he's my favorite cousin. Siya lang naman kasi ang palaging nasa tabi ko kahit hindi pa siya ang kapatid ko. Mabuti pa nga siya ay may pake sa akin kaysa sa tunay kong mga kapatid na wala nang ibang ginawa kung 'di magpa-goodshot kina Mama at Papa.
"So, why are you spacing out? Care to share it with me?"
I sighed first before answering his question. "H-Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong nangyari two years ago. Two years ago na 'yon pero 'di ko pa rin matanggap. It keeps on bothering me. I'm still sad knowing that I'm such a disappointment."
"Still can't get over it?" Sumeryoso siya. "Hayaan mo na. Why don't you try to retake the exam?"
"I'm tired."
"Huh? But, it's your dream, right?"
"Some dreams aren't meant for us."
That's why I ended up being a Teacher.
Mapait akong natawa. Hindi ba't tama naman iyon? May mga bagay talaga na kahit anong subok natin, kahit anong pilit ang gawin natin, hindi talaga mapapa-sa atin lalo na kapag hindi talaga iyon para sa atin. So, why bother to retake kung babagsak lang ulit? Sayang buhay.
"Ah," natawa siya. "Kaya pala hindi napunta sa akin si Ak-"
"Shut up, Vernus. Magpapaka-sad boy ka na naman riyan. Huwag mong sabayan ang pagd-drama ko rito."
Humagalpak siya ng tawa, napapahawak pa sa tiyan niya na akala mo ay tawang-tawa talaga. Sumimangot lang ako at iginala ang paningin sa park kung nasaan kami. Maya-maya ay may biglang umalingawngaw na ringtone. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang sariling phone ko dahil napadukot agad si Vern sa phone niya sabay sagot nito.
Hindi nalang ako nakinig sa mga sinasabi niya at iginala ang paningin sa buong park. Naroon ang iba naming pinsan sa hindi kalayuan. Some of them are playing, some of them are eating, and some of them are talking and laughing about some things. It's Saturday, nagpunta kami rito sa park para mag-picnic kasama ang buong pamilya namin. Hindi ko sila ramdam at lalong ayaw kong makipag-usap sa kanila kaya lumayo ako at umupo sa isang bench na hindi ko naman akalaing susundan ako ni Vern. Hapon na ngunit mukhang ayaw pa rin nilang umuwi.
"Hey, Auds, punta tayo sa Xavier Mall?"
"Huh? Bakit? Anong gagawin natin doon?"
Takang-taka ako. Hindi niya ba nakikitang kasama namin ang buong pamilya namin tapos bigla kaming aalis para lang pumunta sa mall?
"May bibilhin lang ako. Very urgent, e. Let's go?"
"H-Ha? Teka-"
Hindi na ako naka-angal pa nang hilahin niya ang kamay ko dahilan para mapatayo ako at mapasunod sa kaniya. Mukhang hindi kami napansin ng iba naming pinsan kaya malaya kaming nakasakay sa kotse niya. Ipinaharurot niya ang kotse niya papunta sa nasabing Mall. Mukhang masiyado nga siyang nagmamadali dahil ang bilis ng pagpapatakbo niya.
Malakas ang loob niya dahil maluwag ang kalye at kaunti lang ang mga nakasasabay naming mga kotse. Lumalakas lang talaga ang loob niyang magmaneho nang mabilis kapag kaunti lang ang kasabayan namin sa kalsada. Mukhang ayaw niya nang maulit 'yong katangahan niya noon na nabangga siya sa pader dahil sa bilis niyang magpatakbo.
"Hoy, Vern, watch out!" Napasigaw ako nang makitang may tatawid sana ngunit hindi manlang siya tumigil.
Ngumisi siya. "Calm down, hun."
Umirap ako at humalukipkip tsaka naghintay na makarating. Laking pasasalamat ko nalang talaga at hindi niya nahagip iyong tatawid na lalaki kung 'di pareho kaming mananagot na dalawa.
Lahat na yata ay natawag ko at pinasalamatan nang buhay kaming nakarating sa Xavier. Tinulungan niya pa akong makababa sa kotse dahil medyo nahilo ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Nagsisi tuloy akong sumama ako sa kaniya.
Minsan talaga ay natatakot akong sumakay rito kay Vern. Ang bilis niyang magpatakbo. Iyong mamamatay ka na dahil sa bilis niyang magpatakbo ng kotse, ninyerbyosin ka pa dahil akala mo ay makababangga siya ng tao tapos pa-chill-chill lang siya. Akala siguro niya ay nasa racing car pa rin siya. Ang sarap talagang batukan ng pinsan kong ito. Alam kong naga-auto racing pa rin siya hanggang ngayon, mukhang ayaw pa ring tigilan kahit nabangasan na siya noon. Isa na 'yon sa dahilan kung bakit hindi siya pinatulan ni Akeara na hanggang ngayon ay ipinuputok pa rin ng buchi niya.
"Teka lang, hanapin ko lang kung saan ako makabibili," aniya nang makapasok kami sa loob ng mall.
Humalukipkip ako, nababagot na. "Madami ba 'yan? Make sure na makababalik agad tayo doon sa park."
"Calm down, Audri. 'Wag ka ngang kabahan, 'di ka naman mapagagalitan."
Umirap ako. "I know."
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago niya napagdesisyong puntahan na iyong store daw na pagbibilhan niya. Umabot na kami sa last floor ng mall kung saan ay open na iyong parteng iyon ng mall. Kitang-kita ang city lights sa taas kaya ang gandang tignan lalo't nagdidilim na rin.
"Ano na? Wala pa rin? Umabot na tayo sa last floor," umirap ako.
"There!"
May itinuro siya doon sa hindi kalayuan. Maganda ang spot doon dahil may mga fake grasses nang pwede mong tambayan. Para kang nasa park ngunit nasa loob ka naman ng mall. Tumaas ang isang kilay ko dahil maraming tao roon at may isang table doon sa gitna na hindi ko naman alam kung ano. Mukha siyang restau na may mga naka-reserve for a fancy and romantic dates.
"Anong bibilhin mo dyan? Akala ko store?" Pinagtaasan ko siya ng kilay, nawawalan na ng pasensya.
Hindi siya sumagot at hinila akong muli palapit doon. Napataas lalo ang isang kilay ko nang makita doon ang kaibigan ko, si Tate. Bakit narito itong isang 'to?
"Tate!" Tawag ko sa kaniya.
"Hi, Audri!"
Ngumiti lang siya sa akin at nanatili doon sa pwesto niya, ni hindi niya ginawang lapitan ako. Bumitaw ako sa kapit ni Vern at marahang lumapit sa pwesto ni Tate. Nakakunot pa ang noo ko habang pinagmamasdan iyong mga staffs. Busy akong tignan ang mga iyon nang magdilim ang paningin ko. Naramdaman kong may nag-blindfold ng mata ko kaya nagpumiglas ako.
"Ano 'to!?"
"Calm down, Audri. Nandito pa rin ako!" I heard Vern shouting.
"A-Ano 'to, Virus? Este, Vernus!?"
"Ssh!"
Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Maya-maya pa, natigilan ako nang makarinig ng isang tugtog. Umugong ang isang kantiyawan mula sa mga staff na hindi ko naman alam kung para saan. Nangingibabaw pa nga ang boses ni Tate.
"Tanggalin niyo na 'to!" Inis kong sabi.
"Calm down, love."
"T-Trystan?"
Lumiwanag muli ang paningin ko ngunit malabo pa rin iyon nang matanggal ang blindfold mula sa mga mata ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang luminaw na ito ay nanlaki ang mga mata ko habang iginagala ang paningin sa lugar. Iyong mga tugtog, kulay na nagmumula sa mga ilaw, kulay pulang mga banner na may mga letra, at kung ano-ano pa.
Isa-isang nagbagsakan ang luha ko at ibinaba ang tingin kay Trystan na nakita kong nakaluhod na sa harap ko. Napatutop ako sa bibig ko kasabay ng pag-ugong muli ng kantiyawan na mas malakas pa sa kanina.
"It's been four years since we've met, Audri. I can't wait to spend my whole life with you. Will you marry me, love?"
Lalong lumakas ang mga kantiyawan mula sa paligid ko. Mula sa mga staffs, kay Tate, at sa kung sino-sino pang mga taong napapadaan at natitigilan habang pinanonood ang senaryong ginagawa namin.
"Whoo! Sana all! Akeara, when kaya!?"
Nilingon ko si Vern at tinawanan bagamat may luha sa mukha at mata ko matapos niyang isigaw iyon. Nakita kong may hawak siyang camera at mukhang kinukuhanan niya kami ng video. Natawa akong muli at hinarap na si Trystan.
"Sumagot ka na, hoy! Bibigyan niyo pa ako ng pamangkin tapos a-attend pa ako sa kasal niyo! May shanghai dapat, ha? Pareho ko talaga kayong itatakwil kapag wala!"
Natawa rin ako kay Tate. Ngumuso ako sa kaniya at binalingan na talaga si Trystan. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nag-ugungan muli nang mas malakas pa ang mga kantiyaw nila sa amin.
"Yes, Trystan! Yes!"
Nagsigawan sila, mga kinikilig. Natawa ako at hinayaan siyang kuhanin ang daliri ko at ipinasok doon ang singsing na saktong-sakto lang sa daliri ko. Tinulungan ko siyang makatayo at sinunggaban siya ng yakap.
"I love you, Audri!"
He kissed my forehead that made me cry even more while reminiscing our past.