Chapter 2

1679 Words
Chapter 2:Fall Naaalala ko pa kung paano niya ako sinalo noon nang muntik na akong mahulog sa pool. Gusto kong matawa sa sarili ko noong oras na iyon dahil talagang napatulala pa ako sa kaniya dahilan para sabay kaming nahulog sa pool. Hindi iyon nagbago. Niligtas niya pa rin ako... Sinalo niya pa rin ako nang mahulog ako sa kaniya at nakakatawang sabay rin kaming nahulog sa isa't isa kagaya na lang ng nangyari noon. "Alleia! Alleia! Kailangan ka pa sa club!" Patuloy ako sa pangungulit sa clubmate ko na kasali rin para sa pambato ng mga ilalaban sa sports na swimming. Narito kami ngayon sa pool na nasa loob ng University, sinundan ko kasi siya nang umalis siya at sinabing magp-practice daw dahil laban na nila next week. Isa pa, hindi ko naman gustong sundan siya. Talagang pinilit lang ako ng President ng club namin dahil kinausap raw siya nitong gusto nang umalis sa club. "Pwede bang lubayan mo na ako, Audrienne? Sabihin mo dyan sa President niyo na ayaw ko na! Ayaw ko nang sumali sa club na 'yan at mas lalong ayaw ko na sa kaniya!" Gusto kong mainis sa tuwing bumabalik sa isip ko kung bakit gusto nang umalis ni Alleia sa club namin. Sa totoo lang ay ang sarap nilang batukan na dalawa kung close nga lang sila sa akin ay matagal ko nang ginawa iyon. Paano ba naman kasi, magl-lover's quarrel na nga lang silang dalawa, idadamay pa nila ang buong club. Talagang kailangan pang umalis nitong si Alleia. Matinding problema iyon sa amin lalo't kukulangin kami ng isang member. Paano kasi itong si Samuel, ang President namin, alam niya namang girlfriend niya na si Alleia, nakikipaglampungan pa sa iba. Mga lalaki talaga, o, hindi marunong makuntento sa isa. Kung ako kasi sa kanila, huwag na silang sumugal pa sa "pag-ibig" na iyan dahil paglalaruan lang naman niyan ang mga tao. What is love? Love, love? Just a waste of time. Ang pag-ibig, wala nang ibang ginawa kung 'di pasasayahin ka sa una at pagkatapos ay sasaktan ka na. Gagawin ka lang tanga sa kaaasa. "Alleia! Mag-usap nalang kayo ni Samuel dahil nadadamay iyong club!" Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa pagsusuot n'ong goggles niya. Matapos niya iyong isuot ay tinignan niya ang timer niya at may kung anong ginawa doon hanggang sa inilapag niya na iyon sa sahig tsaka siya lumusob sa tubig. Para akong tangang nakatayo at pinanonood siya. Napapadyak ako sa sobrang inis. Marami pa akong gagawin ngayong araw dahil tinambakan kami ng assignments at kung ano-ano pa. Bawat subject ay mayroon kaming assignments kaya kailangang masimulan ko na agad lalo't si Ma'am Mendoza pa naman ang unang subject namin. Propesor na ubod nang sungit kaya naging matandang dalaga na. "Alleia, naman!" Nagpatuloy ako sa pagsigaw kahit alam kong hindi niya lang ako mapapansin dahil kasalukuyang siyang sumisisid sa ilalim ng tubig. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at pumadyak muli, naiinis nang talaga. Nabuhayan ako ng loob nang makitang umahon na siya sa pool at nilingon agad ako. "Sabihin mo sa kaniyang mag-isa niyang ituwid 'yong lintik na club na 'yon! Kaya niya na 'yon! Nagagawa niya ngang makipaglampungan sa iba, iyan pa hindi niya kaya?" Sasagot pa sana ako para pilitin siya ngunit muli siyang lumusob sa tubig kaya napatalon na ako sa sobrang inis. I saw a bunch of girls walking towards my direction, mga naka-swimming attire na rin sila katulad ni Alleia. Mukhang kasamahan niya ang mga iyon. Hindi ko nalang sila pinansin at muling bumaling kay Alleia. "Alleia, naman! Malilintikan ako kay Samuel!" Hindi niya ako pinansin kahit pa nakaahon na siya. Para siyang walang naririnig, patuloy sa pagkalikot sa timer niya. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay kinuha ko ang sapatos ko at akmang ibabato sa kaniya nang bigla akong tamaan ng isa sa mga babaeng naglalakad palapit. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong mahuhulog ako. "Sheez. Sorry!" Narinig kong aniya. Napapikit ako kasabay ng paghiyaw ko at handa nang mahulog sa pool ngunit laking gulat ko nang isang bisig ang sumalo sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko kasabay ng paghulog ng panga ko nang makita ang isang lalaking nasa harapan ko. Napakalapit ng mukha niya sa akin dahilan para mamula ang pisngi ko. Rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya. Hindi man totoo ngunit parang biglang bumagal ang pag-usad ng oras mula sa relo. Biglang natigilan ang mga tao na siyang ikinataka ko. Mabilis akong kumurap-kurap at pinakatitigan iyong lalaking sumagip sa akin bago pa man ako mahulog sa malamig na tubig ng pool. Napakahigpit ng kapit niya sa bewang ko dahil halos nakaliyad na ang kalahati ng katawan ko sa pool. "Audrienne!" Para akong nagbalik sa ulirat nang marinig ang pagsigaw na iyon. Kahit hindi ko lingunin, alam kong si Alleia iyon. Huli na para mapagtanto kong biglang nawalan ng balanse iyong lalaking may hawak sa akin dahilan para sabay kaming mahulog sa pool. Isang malakas na paghulog sa tubig ang nangibabaw sa buong lugar nang bumagsak kami ng lalaking sumagip sa akin sa tubig. "A-Alleia!" I asked for help. I don't know how to swim! Hindi mababaw ang tubig kaya nagsimula akong lumanghap ng hangin dahil hanggang bibig ko na iyong tubig. Biglang may yumakap sa bewang ko dahilan para lingunin koi yon. Si Alleia ang inaasahan kong nakakakapit sa akin ngunit napaamang nalang ako nang makitang iyong lalaki ulit iyon. Pilit niya akong itinataas habang lumalangoy siya palapit doon sa kung saan ako nakatayo kanina. Lumapit si Alleia na basang-basa at tinulungan akong makaahon sa pool. Napaubo ako nang makaupo sa sahig, pilit inilalabas ang mga tubig na nainom ko na yata. "A-Are you okay?" I heard the guy asked. Hindi ako sumagot at tumango lang. Hinagod ni Alleia ang likuran ko at inabot sa akin ang isang towel. Ipinulupot ko iyon sa sarili ko dahil sa panlalamig. Malamig kasi iyong tubig sa pool kaya lalo lang akong nanlamig nang makaahon ako. "T-Thanks." Hinarap ko iyong lalaki at ngumiti siya. "Are you sure that you're okay? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Mabilis akong umiling. "N-No, no. It's okay..." "Are you sure?" Tumango akong muli at nilingon si Alleia. May isang ngiti sa labi niya ngunit hindi ko iyon pinansin at tatayo na sana nang muling magsalita iyong lalaki. "I'm Trystan. You are?" Tumaas ang isang kilay ko nang naglahad siya ng kamay matapos niyang magpakilala. "A-Audri... Audrienne." Tumango ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad. Ngumiti siya dahilan para lumabas ang mga dimples niya. Umiwas nalang ako ng tingin at binalingan nang muli si Alleia. "Audri! Audri! Nakita mo na 'yong nakapost doon sa bulletin board?" Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ang sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Pahangos-hangos siyang tumatakbo papasok sa room dahilan para magising ako. Inaantok pa naman ako dahil katatapos lang ng midterms kahapon, napuyat pa ako dahil gumala kami ng mga kaibigan ko kasama si Trystan na isa na rin sa mga kaibigan ko. Ang bilis ng panahon. Parang noon lang ay sinalo niya ako sa pool, ngayon ay magkaibigan na kaming dalawa. "Audri!" Papikit-pikit akong napatingin sa kaniya at nagtaas ng kilay. "A-Ano?" "Nakita mo na 'yong nakapost doon sa bulletin board? Sheez ka! Top one ka na naman!" "H-Ha?" "Top one ka na naman! Bilis, tignan mo!" Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang tulog ko ngunit hinila niya na ako palabas dahilan para magising ang diwa kong inaantok pa. Napapakamot nalang ako sa ulo ko. "Libre naman dyan, Audri!" Nginiwian ko lang iyong mga nasa tabi kong tumitingin rin ng announcement sa bulletin board. Matapos kong sumilip sa sheet ay kinunan ko agad iyon ng litrato. Alam kong may maganda na naman akong maiuuwing balita kina Mama. Pagkauwi ko, taliwas sa inaakala ko ang matatanggap ko. Napakasaya kong sinabi sa kanila kung ano ang magandang balita ko ngunit hindi ko inaakalang gan'on lang ang magiging reaksyon nila. "Talaga? Mabuti 'yan, hindi 'yong kung ano-ano ang inaatupag mo." Wala akong makitang saya at pagkaproud sa mukha nila, lalo na ni Mama. Mapait nalang akong napangiti at sinulyapan ang mga kapatid ko. Nang makitang nakangiti silang dalawa sa akin ay ibinaba ko nalang sa pagkain ko ang tingin ko, pinipigilan ang pagbadya ng mga luha ko. "Ay, Ma! Alam mo bang ga-graduate na si Ate Aubri? Magc-College na siya next year, Ma!" Inangat ko ang tingin ko sa sinabi ni Shayle. Gayon nalang ang pagtaas ng kilay ko nang makitang napangiti si Mama at Papa. "Talaga? I'm so proud of you, anak! Magc-celebrate tayo nyan kasama ang mga Tita mo!" Pilit lang akong ngumiti nang sulyapan ako ni Aubri. Matapos iyon ay bumuntong hininga ako at yumuko nalang. "Hey, what happened? You look sad." Hindi ako kumibo sa tanong sa akin ni Trystan. Narito kaming dalawa sa pinakamalapit na fastfood chain malapit sa University. Gaya ng gusto niya, icelebrate raw namin ang pagt-top one ko sa klase at ang pagkakapanalo niya sa art contest na sinalihan niya. "Audrienne." "Oh?" "May masama ba? Ayaw mo n'ong pagkain?" Umiling ako. "Hindi." "E, anong problema mo?" Bumuntong hininga ako at umiling. "Wala nga." Ang totoo niyan, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Trystan. May pumapasok na sa isip ko na posibleng dahilan ngunit ayaw ko namang tanggapin dahil kaibigan ko si Trystan. "May itatanong ako, Audri." "Hmm?" Yumuko ako at binalingan ang pagkain kong halos hindi ko pa nagagalaw. Parang nakadalawang subo palang ako. "What if I'm falling for you? Masasalo mo ba ako?" "H-Ha?" Mabilis ko siyang natingala dahil sa tanong niya. Natawa siya at mabilis na umiling. "W-Wala, wala," napayuko siya. Anong tingin niya sa akin, bingi? Siyempre ay narinig ko ang sinabi niya! Hindi lang talaga ako makapaniwala kaya ganoon ang reaksyon ko. "Trystan..." "Yes?" Tiningala niya ako ngunit iniiiwas niya naman ang mata niya sa akin. "Naaalala mo 'yong first encounter natin? Iyong sinalo mo ako sa pool pero pareho lang tayong nahulog?" "B-Bakit?" "I think I'm falling for you, too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD