Chapter 3

2114 Words
Chapter 3:Decision "Where are we?" Matapos kong itanong iyon ay biglang lumiwanag ang paningin ko. Tinanggal na pala ni Trystan iyong blindfold na isinuot niya sa akin kanina bago kami pumunta rito. Bigla kasi siyang nagtext sa akin na magkita raw kaming dalawa dahil may importante siyang ipakikita sa akin kaya kami nagkitang dalawa. Hindi ko naman alam kung saan niya ako dinala. Mula sa panlalabo ng mga mata ko dahil sa blindfold, luminaw ito matapos nang ilang saglit. Napadako ang tingin ko sa harapan ko. May isang bahay roon na nasa katamtaman ang laki. Hindi iyon malaki at mas lalong hindi iyon maliit. Moderno ang disenyo ng bahay kaya hindi ko mapigilang mamangha. Bukod kasi doon ay parang pamilyar ang itsura ng bahay na nasa harapan ko kaya hindi ko mapigilang magtaka rin. "W-Where are we?" ulit ko sa tanong ko. "This is our dream house, Audri. See this?" May inabot siya sa akin at kinuha ko naman iyon. Umawang na lang ang bibig ko nang buklatin ko iyong papel na nakatupi. Nagpalipat-lipat ang tingin ko doon sa bahay at doon sa kopya ng bahay na naroon sa papel, nakaguhit. Napatili ako. "I-Is this our house?" gulat kong bulalas. Lumingon siya sa akin at malaking ngumiti. Hindi pa man siya nakasasagot ay tumili na agad ako at dali-daling tumalon para sunggaban siya ng yakap. Narinig ko siyang tumawa habang ipinupulupot ang kaniyang kamay sa baywang ko para yakapin rin akong pabalik. Habang nakayakap sa kaniya ay namalayan ko na lang ang sarili kong lumuluha. Hindi sa sakit o lungkot kung 'di dahil sa tuwa gayong nasa harapan ko na iyong bahay na dati ay iginuhit niya lang, ngayon ay gawa na talaga at pwede na naming tirahang dalawa. That's our dream house. Matagal na naming pinagu-usapan iyon noong nagp-plano na kami para sa future naming dalawa. Kaya nga nakatutuwang narito na sa harapan namin iyong bahay na matagal na naming pinapangarap. Dito kami bubuo ng sarili naming pamilya. Dito kami magsisimula. "Hey, love," tawag niya nang mapansin ang pananahimik ko. Humiwalay ako mula sa yakap naming dalawa at natatawang pinahiran ang mga luha ko. "Why are you crying?" "Wala!" Natawa ako sabay pahid muli sa pisngi ko. "Pwede na ba tignan sa loob?" "Yes, love." He smiled. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at niyaya siyang pumasok sa loob. Nakasunod naman siya sa akin habang iginagala ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Bawat sulok ng bahay ay hindi pinalampas ng mata ko, lahat ay tinitignan. Namamangha kasi ako dahil sa ganda ng bahay na ito. Kung maganda kasi iyong nasa drawing, mas lalong maganda itong kinalabasan. Gray, white, and black ang kulay ng interiors. Maski mga kagamitan ay ganoon din ang kulay kaya ang gandang tignan. The interiors are so fancy and elegant. Manghang-mangha ako lalo. Gusto ko tuloy pasalamatan ang nakaisip na maging ganito ang set up ng living room namin. "Ang ganda-ganda," naiiyak kong bulalas. Pagkapasok ng living room ay bubungad sayo ang kulay gray na couch. Malaki ang couch niyon, kasya ang ilang tao. Nakapatong naman roon ang kulay puti at itim na mga throw pillows. Sa gitna n'on ay may kulay black na wooden center table kung saan may mga nakapatong na kung ano-anong vase na naglalaman ng mga magagandang bulalak na sa tingin ko ay fake lang. Ngunit kahit fake iyon, hindi pa rin iyon nakabawas sa pagiging maganda nito. Sa right side naman ay may bubungad sayong kulay puting malaking hagdan. Marahil ay iyon na ang daan patungo sa itaas. Sa left side ng bahay ay naroon ang isang daan patungo na siguro sa kitchen and dining hall. Nakita ko pa sa gitnang parte na may malaking kurtinang tumatabing sa isang glass door. Doon ako tumungo bago sa itaas. Sinalubong ako ng malakas na hangin nang hawiin ko ang kurtinang kulay puti. Napangiti ako at lumabas kung saan bumungad sa akin ang isang mahabang pool. Mga bato-bato ang nakapaligid rito. Nakakita naman ako ng isang bilugang table at tatlong upuan na nakapaligid doon sa hindi kalayuan. May kulay itim pa ngang malaking payong ang nasa gitna ng table. "Beautiful, right?" Trystan asked. Lumingon ako sa kaniya. He's smiling from ear to ear while looking at me. Nakasandal pa ang braso niya sa glass door na nakabukas. "Sobra!" He chuckled. "Ipinagaya ko lang 'yong pinagawa mo sa akin noon." "P-Pero, Trystan, saan ka nakakuha ng pera para rito?" "Pinag-ipunan ko 'yong perang ginastos ko rito. I planned for our future, love. Nakikita ko kasi ang sarili ko na ako ang makakasama mo habang buhay." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "C-Corny!" Corny nga iyong sinabi niya ngunit hindi talaga siya pumalpak na pakiligin ako. Kahit naman ang mamais ng mga banat o sweet lines niya ay pati organs ko sa loob ng katawan ko ay naghihiyawan at nagwawala. Parang mga tanga. Natawa siya kaya tumawa na lang rin ako. Matapos namin sa spot na iyon ay pumasok ulit ako sa loob. Nakasunod lang siya sa akin habang gumagala ako papunta sa second floor. Binungaran ako ng limang kwarto sa itaas. Bago pa ang mga kwartong iyon ay isa pang living room ang bubungad sa akin kaya napatawa na lang ako dahil hindi ko inaasahan iyon. "Limang kwarto? Bakit ang dami?" tanong ko. "One room for us, then nursery room for our future child. Tapos iyong iba, bahala na. Kung gusto mo, pwede nating dagdagan ang mga magiging anak natin. Sabihin mo lang sa akin." He grinned. "S-Shut up!" I felt my face heated. Natatawa ako sa sarili ko. Sa tanda ko nang ito ay nagagawa ko pang magpa-demure. Pero, nakakahiya naman kasi itong sinasabi ni Trystan. Kahit matagal na kaming magkarelasyon ay nahihiya pa rin ako sa tuwing pagu-usapan namin ang tungkol doon. Umupo ako sa couch na nilapitan ko. Biglang may sumagi sa isip ko kaya natigilan ako at seryoso siyang tinignan. Kumunot ang noo niya at sumandal sa railings ng hagdan. "Bakit?" he asked. "May mali ba?" "M-Magpapakasal na kasi tayo, 'di ba? K-Kailan tayo lilipat dito?" "Ngayon na. Pagkatapos nating magpaalam sa parents mo." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?" "Yes. To know if we're really compatible. I mean, I could see my whole life with you. Pero, para lang kapag nagkaproblema tayo kapag nagkasama tayo, alam na natin ang gagawin natin. Do you understand my point, love?" Tumango ako. "O-Oo... Pero kasi, baka hindi pumayag si Mama?" "Kaya nga magpapaalam tayo para payagan tayong dalawa. Is that okay, love?" Bumuntong hininga ako at tumango. Tama rin naman kasi siya. May point siya. Doon sa pagsasama naming dalawa sa isang bubong, pwede naming matignan ang flaws na bawat isa kapag nagkasama na kami sa isang bahay. Para rin masanay kaming dalawa na palaging magkasama, sa paggising pa lang sa umaga at hanggang sa matulog sa gabi. With that, makikita namin kung magkakasawaan ba kami o ano pa. Para habang hindi pa kami ikinakasal ay alam na naming dalawa. Tama. Tama siya. Kasi, kapag sinabing kasal, dapat sigurado ka na. 'Yong kasal, hindi basta-basta 'yon. It's your whole life that you're putting at stake. Kasi, paano kung hindi kayo magkasundo kapag nagsama na kayong dalawa matapos ikasal? Paano ang mabubuong pamilya? Paano maghihiwalay kung alam na may anak nang pinapalaki? Sa totoo lang kasi, kapag nagdesisyon ang mag-asawang maghihiwalay sila, wala sa babae o sa lalaki ang kawawa. Naroon iyon sa bata, kung mayroon silang anak. Iyong bata kasi ang maaapektuhan doon kaya sila ang kawawa kapag nagdesisyong maghiwalay ang magulang nila. Ngunit, hindi ko rin naman kasi masisisi iyong mga mag-asawang naghihiwalay. That's why we need to think of it first. We need to think first before deciding. Kasi, kasal, e. Buong buhay mo ang maaapektuhan rin kung maghihiwalay kayong dalawa. Butas pa ang bulsa lalo kapag nagdesisyon kayong magpa-annulment. Ang dami lang masasayang kaya kung hindi pa tayo sigurado sa isang tao, huwag na muna. Isantabi na muna iyon at maghanap ng tamang timing. Ganoon lang naman kadali iyon. "P-Paano kung hindi papayag sina Mama at Papa? Paano kung magalit lang sila? Paano kung... Paano kung-" "Calm down, Audri." Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. "Ako ang bahala sayo, okay? Maiintindihan ka ng parents mo, love." "Y-You don't know them..." Umiling ako, paulit-ulit. Hindi niya kilala ang mga magulang ko. Ni kailanman naman ay hindi nila ako naintindihan kaya ano bang sinasabi niya? Mas gugustuhin pa nilang intindihin si Aubri o si Shayle kaysa sa akin. Kasi, oo nga naman, may punto nga naman kasi sila. Ako ang panganay, dapat ako ang umiintindi. O sige, sabi nila, e. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nila ako naiintindihan. Siguro, dahil ayaw kong magpaintindi? O siguro... Maski ako ay hindi maintindihan ang sarili ko? Kaya paano nga naman ako iintindihin ng ibang tao kung maski ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan. Pero, iisa lang naman ang kailangan ko sa kanila. Gusto ko lang namang makuha ang tiwala nila sa akin. Kasi, simula noon ay nawala iyon. Dismayado na sila sa akin mula noon kaya nawala ang tiwala nila sa akin na gawin ang isang bagay. Imbes na i-cheer up nila ako para makapasa sa bar exams, mas ni-pressure lang nila ako kaya... Bumagsak ako. Pero hindi naman nila kasalanan iyon. Kasalanan ko rin kung bakit ako bumagsak. "H-Hahanap na lang ako ng timing, Trystan. H-Huwag muna sa ngayon..." He sighed and nodded. "Sabihin mo agad sa akin kung kailan ako pwedeng pumunta para sabay tayong makapagpaalam." "H-Hahanap muna ako ng timing para sabihin sa kanilang ikakasal na ako. Hindi pa rin kasi nila alam na nagpropose ka sa akin. Si Vern lang ang nakakaalam. Siya lang. Siya lang naman ang parang pamilya ko." I sighed. "I'm your family, too, love. Cheer up, okay?" Ngumuso ako at niyakap siya. "I love you." "Oh, I love you most, my love." Nang kinagabihan, matapos akong ihatid ni Trystan sa bahay ay nagdalawang isip pa ako kung paano sasabihin kina Mama at Papa na ikakasal na ako. Naga-alinlangan ako dahil alam kong wala sila sa mood ngayong gabi lalo't nalaman nilang may boyfriend na si Aubriana. Pagkatapos naming kumain, kasalakuyan akong tumutulong kay Mama sa paga-ayos ng mga pinagkainin namin. Nagkakagulo ang isip ko ngayon kung magsasalita na ba ako o ano. Sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Gusto kong magsalita ngunit ayaw bumukha ng bibig ko dahil sa kaba at takot. Two years ago lang ay ang pagbagsak ko sa bar exams ang isinalubong ko sa kanila. Ngayon naman ay ang balitang ikakasal na ako ang ibubungad ko. Parang hindi pa nga yata okay sa kanila nang bumagsak ako sa exams kaya kung dadagdagan ko ng balita kong ito ay mas lalo lang silang madismaya sa akin. Oo nga't two years na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin matanggap na hindi ako nakapasa. Two years na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako mapatawad ng parents ko dahil doon. Pero, nakapasa naman ako sa board exams ng page-educ ko, ah? Bakit hindi pa rin sila naging proud doon? Sabagay. Pagiging Abogado naman talaga ang gusto nila para sa akin. Kahit ako, gusto kong maging Abogado at masakit para sa akin na iba ang tinatahak kong daan ngayon. Isang daang hindi pamilyar sa akin ngunit nang makapasa doon ay unti-unti ko na lang tinanggap na baka pagiging guro talaga ang para sa akin. "M- Ma..." tawag ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Saglit lang iyon dahil matapos niya akong pagtaasan ng kilay ay ibinalik niya ang tingin niya sa inaayos niyang mga plato. "Ano na naman?" pabalang niyang tanong. "U-Uh..." Nabitin bigla ang sasabihin ko. Kinakabahan ako nang sobra. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa kaniya ngayon. "Ano nga? 'Wag mong sayangin ang oras ko, Audrienne. Marami pa akong gagawin." Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. "W-Wala pala, Ma..." Inangat niyang muli ang tingin sa akin. "Pwede bang ayusin mo muna ang buhay mo bago mo ako pag-trip-an? Tumigil ka dyan." Tumango na lang ako at ibinaba ang tingin ko sa mga baso kong dala. Tumalikod na ako, dala-dala ang mga iyon patungo sa kusina para ilagay sa sink. Parang pinagpipira-piraso ang puso ko sa kaiisip kung ano ba ang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako. Mukhang hindi ko pa masasabi kina Mama ang desisyon kong magpakasal kay Trystan. At kapag nalaman niya iyon, baka hindi niya kayanin at tuluyan na akong palayasin rito sa bahay na 'to. Dahil, noon pa man, kahit ano namang gawin ko ay puro sina Aubriana at Shayle lang ang binibigyan nila ng pansin. Kahit ano namang gawin ko ay hindi pa rin okay para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD