Chapter 6

1319 Words
Chapter 6:Beginning "Kung iyan ang inaalala nila, 'wag silang mag-alala dahil hindi ako babalik sa kanila. Kakayanin naman natin 'yon nang wala sila, 'di ba, Trystan?" Nilingon niya ako at tipid na nginitian. "We will, love." Nagpatuloy ako sa pagtitiklop ng ibang damit ko at pagkatapos ay inilalagay iyon sa maleta ko. Naroon naman sa isang gilid si Trystan, tinutulungan niya akong ilagay ang ibang gamit ko sa mga kahon. Nakapagdesisyon na ako. Aalis na ako sa bahay at itutuloy na ang plano namin ni Trystan. Tutal naman ay dismayadong-dismayado na sa akin si Mama at susulitin ko na. Bahala na sa kung anong isipin nila tungkol sa akin tutal naman ay hindi ko na mababago iyon kahit anong gawin ko. Kahit anong gawin natin, hindi natin mababago ang mga iniisip ng mga tao tungkol sa atin. E 'di imbes na pagurin pa natin ang sarili natin sa pagpapakapagod para patunayan ang sarili natin sa kanila ay hayaan na lang natin kung ano ang nasa isip nila tungkol sa atin. This is life and we can't please everyone. Kilala mo naman ang sarili mo kaya hindi na importante ang iniisip at sasabihin ng iba sayo. Pamilya ko sila pero kung ito ang gusto nila... E 'di gagawin ko. Huwag silang umasang babalik ako sa kanila dahil hindi mangyayari 'yon. Hinding-hindi mangyayari 'yon. Patutunayan ko sa kanila na kaya ko... Na kaya namin ni Trystan kahit wala sila. Na kaya namin nang walang suporta nila. Na kaya namin kahit hindi sila sang-ayon sa naging desisyon namin. After all, it's all about us. Kami lang ang makakapag-desisyon sa kung ano mang gusto naming gawin sa relasyon namin. "Na sayo pa pala 'to?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Nakita kong hawak-hawak niya iyong isang maliit na box na naglalaman ng mga sticky notes na palagi niyang ipinadadala sa akin noon para pagaanin ang loob ko at ma-inspire ako lalo sa paga-aral. Palagi niya akong pinadadalhan noon nang mga iyon kasi alam niyang stressed na stressed ako noon lalo't Law student ako before. He's always sending me gifts, foods, snacks, and letters na nakasulat sa sticky notes kaya mas naging inspirado ako sa paga-aral. I really love how the way he made me feel loved and important before... Actually, hanggang ngayon. Wala kasi akong ibang nakukuhanan ng suportang kailangan ko kung 'di siya lang kaya palagi niya akong chini-cheer up. Puro pressure lang naman kasi ang nakukuha ko mula sa pamilya ko kaya mabuti na lang at narito siya sa tabi ko noong mga panahong iyon. "Of course," I replied with a big smile on my face. Kahit hindi naman talaga maayos ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa siyang ngitian nang pagkalaki-laki. Ayaw ko naman kasing makahalata siyang may kaunting konsensya pa rin sa loob ko. Pero dahil mahal ko si Trystan... Bahala na. Bahala na silang lahat. Basta, ginawa ko na ang dapat kong gawin at nasa kanila na 'yon dahil hindi nila ako inintindi. Mas inuna nila ang mga past issues nila sa akin kaya hindi nila matanggap ang kung ano ako ngayon. Pilit naman akong nagbabago, e. Pilit kong inaayos ang buhay ko dahil iyon ang gusto nilang gawin ko. Gusto nilang maging maayos ako at ang career ko. Siguro lang talaga ay hindi para sa akin ang paga-abogado dahil kung para sa akin 'yon, hindi ako babagsak doon. Mukhang sa pagiging guro talaga ang kapalaran ko at hindi ko na iyon mababago. Sila na ang bahalang tumanggap n'on. Natanggap ko na nga na hanggang doon na lang ako, sila pa kaya na pamilya ko? Dapat ay tanggap na nila iyon. "Patingin nga ako niyan?" Natawa ako. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Kumuha ako ng sticky note at tinignan iyon. "Always wear your smile, love. Para sa pangarap, okay? I love you," mahinang basa ko sa nakalagay sa papel. Natawa ako nang mapagtantong ito 'yong nakasipit sa snacks na pinadala niya sa akin n'on. Hindi siya ang nagdaan sa akin dahil nasa ibang department siya kaya ipinabigay niya na lang kay Vern noon. "That time, nalaman kong favorite mo 'yong ham and lettuce sandwich n'ong restau na malapit sa Xavier n'on kaya dumaan muna ako bago pumasok. Tapos naalala ko pang may recit kayo n'on kaya ipinadala ko 'yan kay Vernus." "Sabi nga ni Vern na nakita ka niya at pinadala mo 'yon sa kaniya. Alam mo bang tuwang-tuwa ako? Wala na kasi akong time na makadaan n'on sa cafeteria kaya hindi ako makakain," kwento ko pa, natatawa. Natatawa ako sa tuwing binabalikan ko ang mga alaala naming dalawa ni Trystan, lalo noong nagsisimula pa lang kaming dalawa bilang mag-boyfriend at girlfriend. Ito 'yong panahon na kasasagot ko pa lang sa kaniya. At natutuwa ako na kahit simula noong nagsisimula pa lang kami hanggang ngayon na nagtagal kami ay hindi pa rin siya nagbago. Siya pa rin 'yong Trystan na nakilala at minahal ko. Siya 'yong lalaking sumalo sa akin sa pool at siya rin 'yong lalaking sumalo sa akin noong nahulog ako sa hukay ng pag-ibig na ginawa niya noon. "Instincts, love." He wiggled his brows. "Oo na! Tara na?" Natawa ako at tumayo. Inayos ko muna ang kama ko bago ko hinila ang maleta ko. Binuhat niya naman iyong mga kahon para ibaba na at ilagay sa kotse niya. Bumuntong hininga ako, iginala ang paningin sa buong kwarto kong wala nang ibang laban kung 'di kama at mga cabinet na hindi ko na madadala pa. "I will miss this room," bulong ko. Siguro ay ganito nga talaga iyong mga maga-asawa na at 'yong ibang aalis na sa bahay nila. Sino ba namang hindi makakamiss sa mga lugar na naging parte ng buhay mo? For the last time, I roam my eyes around. Huminga ako nang malalim at binuga iyon. Pilit akong ngumiti sabay sara ng pinto. Pakiramdam ko ay hindi ako makaayos ng paghinga kaya nag-inhale at exhale muna ako bago hinila ang dalawang maleta ko pababa. Sa tingin ko ay nasa labas na si Trystan, ipinapasok ang tatlong malaking kahon na naglalaman ng ibang gamit ko. Plus, may mga ibinaba pa siyang isang malaking maleta at malaking bag. Dala ko naman iyong dalawa ko pang maleta. "Ma, Pa..." Naabutan ko sa living room sina Mama, nanonood kasama ang mga kapatid ko. Hindi lumingon si Mama, nasa pinanonood lang ang mga mata. "Bye, Ate!" paalam ni Shayle. "Pwede bumisita sa inyo?" "Ikaw bahala." Nagpilit ako ng ngiti. "Bye, 'te," paalam naman ni Aubri. Nagpilit lang ako ng ngiti sa kanilang dalawa at binalingan si Mama at Papa. "Ma, Pa, aalis na po ako..." "Alalahanin at pag-isipan mo nang mabuti ang mga sinabi ko, Audrienne," malamig na sagot ni Mama, nasa T.V pa rin ang paningin. "Bahala ka na sa desisyon mo, malaki ka na," sagot naman ni Papa. Hindi na ako sumagot at tumalikod na lang. Pgakasara ko ng pinto ng bahay ay doon na bumuhos ang luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. "Stop crying, love," panga-alo ni Trystan nang makalapit. Mapakla akong natawa sabay pahid sa mga luha ko. "Sorry. I just can't help it, e." "You have me, okay? Ako ang bahala sayo. Don't worry about your parents. Maiintindihan at matatanggap rin nila ang desisyon nating dalawa." "Thanks, Trystan." I heaved a sigh. Ngumiti na lang siya at tinulungan akong dalhin ang maleta ko. Kinuha niya ang isa samantalang nasa akin naman ang isa. "This is the beginning, love. Are you ready?" he asked. Tumango ako. "I'm ready." Matapos naming ilagay ang mga gamit ko sa compartment ay lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Ito na nga ang simula. Kinakabahan ako ngunit masayang-masaya ako dahil sa wakas ay makakasama ko na ang taong mahal ko sa iisang bubong. Sana lang talaga ay hindi magkatotoo ang sumpang sinabi ni Mama sa akin. Alam kong makakaya naming dalawa ni Trystan ang kung ano mang pagsubok na dadaan sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD