Chapter 5:Curse
"M-Ma..."
Sinubukan kong sundan si Mama sa kusina ngunit hindi niya lang ako pinansin. Mukhang talagang na-dismaya na naman siya sa akin kaya nang hindi niya na ako pinansin ay umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Isang linggo akong iniiwasan nina Mama at Papa. Sina Aubri at Shayle lang talaga ang naglalakas ng loob na kausapin ako kapag narito ako sa bahay. Minsan nga ay ayaw ko na lang umuwi rito dahil para lang akong multo dahil hindi nila ako pinapansin. Kapag nasa paligid nila ako, tumatahimik sila.
Doon pa lang ay alam na alam ko nang hindi sang-ayon si Mama sa pagpapakasal ko kaya hindi ko rin masabi-sabi sa kaniya ang desisyon namin ni Trystan na magsama sa iisang bubong. Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi ko pa nasasabi kina Mama ang desisyon namin.
Trystan's been waiting for a week. Ako na lang kasi ang hinihintay niya para makapag-paalam kami nang sabay kina Mama sa gagawin kong pag-alis sa bahay ngunit dahil nga hindi ko masabi-sabi ay hindi ako makaalis. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin kina Mama gayong alam kong hindi rin maganda ang maidudulot n'on.
Alam kong magagalit sila at mas lalong mad-dismaya sa akin kapag sinabi ko na. Kilala ko sila. Kahit naman kailan ay hindi sila natuwa sa akin kaya aasa pa ba akong matutuwa sila kapag sinabi kong aalis na ako sa bahay na 'to? I don't think so.
I don't know if I'm still important to them as a part of our family. Todo sila sa pag-iwas sa akin na sa tingin ko naman ay wala akong ginawang mali sa kanila. Nalaman lang naman nila na ikakasal na ako. Ang tanda ko na pero kung pinipigilan pa rin nila ako sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi na naman ako bata para sila na ang magdesisyon para sa buhay ko.
At kung hindi nila matanggap 'yon... Hindi pwede 'yon. Hihiwalay at hihiwalay ako sa kanila dahil nasa plano ko na ang mag-asawa. Hindi naman kasi lahat ng panganay ay wala sa isip ang paga-asawa.
Ever since I was a kid, I've always dreamt of having a prince charming. Kasi, naniniwala ako sa pagmamahal. Kung walang pagmamahal, walang mangyayari sa mundo. Kung walang pagmamahal, wala siguro tayong lahat. Kasi, 'yong pagmamahal, parte na ng mundo 'yon. At, umaasa ako noon na makakahanap ako ng lalaking mamahalin ako na parang ako lang 'yong babae sa buong mundo, iyong mamahalin ako nang buong-buo, iyong mamahalin ako kahit ang dami kong imperfections, iyong mamahalin at tatanggapin ako sa kung sino ako, iyong hindi titignan ang kung ano mang mayroon ako, iyong hindi ako huhusgahan, iyong nakasuporta lang sa akin.
Kasi... Hindi ko na kailan man naramdaman sa pamilya ko 'yong "pagmamahal" na matagal ko nang hinahanap-hanap. That's why I'm thankful that God has given me Trystan.
"Ma'am, dito na lang po ba ipapasa 'tong project?"
Nagbalik ako sa katinuan nang marinig ang isang estudyante kong nagsalita. Nakalapit na pala siya sa akin at hawak-hawak ang isang folder.
Tumango ako. "Lagay mo na lang dyan, 'nak."
"Sige, Ma'am." Ngumiti siya at inilapag sa table ko ang project niya.
Bumuntong hininga ako at iginala ang paningin ko sa buong klase. Lahat sila ay nakatungo pa rin sa exam papers nila, tahimik pa rin sila kaya napagtanto kong hindi pa rin sila tapos magsagot ng exam.
"Class, last twenty minutes," I announced.
"Aw." they chorused.
Mahina akong natawa dahil sa naging reaksyon nila. Nagkibit balikat ako at tumayo sabay krus ng mga braso ko habang hinihintay silang matapos.
Habang naghihintay ay lumabas muna ako saglit. Nasa labas lang naman ako ng pinto kaya hindi sila nagtangkang mag-ingay.
I'm now a Highschool Teacher sa isang private school. I ended up being a Teacher which is I didn't imagine. Simula kasi bata ako ay gusto kong maging Abogado na. Iyon rin naman ang gusto nina Mama para sa akin kaya iyon na lang rin ang ni-pursue ko... Ngunit saklap nga lang dahil hindi rin ako pinalad na maging ganoon dahil hindi ako nakapasa sa bar exams.
Gusto ni Mama na mag-retake ako ng bar exams ngunit ako na ang kusang umayaw. Hindi rin naman ako lumaban, sumuko agad ako sa pangarap ko kaya naging Teacher na lang ako ng Highschool students. Nag-aral ako ulit para maging Teacher. Buti na nga lang at nakapasa ako sa board exams na hindi ko nagawa sa bar exams.
Nang wala naman akong nakita sa labas ay muli akong pumasok sa loob kaya nagsi-ayusan ng upo ang mga estudyante ko. Bumalik ako sa harap at tinuktok ang marker sa table.
"Time's up. Finish or not finish, pass your papers."
I heard them frowned but I just ignored it. Wala silang nagawa kung 'di ipasa na ang mga papel nila sa harap at dali-dali ko namang kinolekta ang mga iyon. Pagkalapag ko ng mga papel na may sagot sa table ko ay binigyan ko sila ng sunod na exam papers para sa isa pang subject.
Matapos kong ipamigay iyon sa kanila ay muli akong bumalik sa table ko at umupo sa upuan. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng blouse ko at tinignan ang message dahil bigla itong nag-vibrate.
Text pala iyon galing kay Trystan kaya dali-dali ko iyong tinignan.
My Love:
Will fetch you later, love. Punta na tayo sa inyo?
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Hindi ko alam kung paano ko rin sasabihin kay Trystan na hindi ko pa nasasabi kay Mama na magsasama na kami. Hindi ko pa rin kasi nasasabi iyon kay Trystan lalo't hindi na kami masyadong nagkikita dahil busy siya sa shift niya sa hospital, busy naman ako ngayon dahil exams ng mga estudyante ko.
Sa isang linggong iyon ay hindi ko pa siya nai-inform na hindi ko pa nga nasasabi kay Mama at natatakot akong sabihin kay Mama.
Ako:
Busy pa ako, love.
Ngumuso ako at bumuntong hininga pagkatapos.
Maya-maya pa ay nakita kong nagreply na siya. Sumulyap muna ako sa mga estudyante bago muling ibinalik sa phone ko ang atensyon ko.
My Love:
Hindi mo pa nasabi, love?
Napakamot ako sa ulo ko. Wala akong ibang magagawa kung 'di aminin sa kaniya. Tsaka, hindi naman ako dapat magsinungaling sa kaniya, e.
Ako:
Yea...
Suminghap ako nang lumabas sa screen ko iyong pangalan niya na may kasama pang "accept" at "decline" button.
Tumayo ako at nagpaalam na may kakausapin lang. Binalaan ko silang huwag mag-kopyahan kaya nang sumang-ayon sila ay lumabas na ako at sinagot ang tawag ni Trystan.
"Hello?" bungad ko. "M-May exams, Ken. Nagpaalam lang ako saglit sa mga estudyante ko. Anong oras ang shift mo ngayon?"
"Night shift ako, love. Mamaya pa naman kaya makakadaan pa tayo sa inyo. So, ano? Nasabi mo na ba kina Tita?"
Bumuntong hininga ako. "H-Hindi pa..."
"Bakit naman?"
"Kinakabahan ako, Ken." I bit my lower lip. "M-Mama was disappointed when she found out that we're engaged. Ang ingay kasi ni Vern."
"Oh..." Natahimik siya nang saglit sa kabilang linya. "Gusto mo bang samahan kita na sabihin sa kaniya?"
Sa oras na ito ay ako naman ang natahimik.
Okay lang naman si Trystan kay Mama. Sakto lang. Hindi niya ayaw at hindi niya rin masyadong gusto. Sakto lang. Pero, kinakabahan pa rin kasi ako lalo kapag sinabi pa sa akin ni Mama na talagang isinama ko pa si Trystan na magpaalam.
Pero, gan'on naman 'yon, hindi ba? Kailangang magpaalam ni Trystan sa parents ko dahil kukunin niya na ako sa bahay. Baka nga mas lalo lang magalit sina Mama kapag hindi nagpaalam si Trystan sa kanila.
"K-Kinakabahan ako..."
"Don't worry, love, nandoon ako. You don't have to be nervous, okay?" pagpapalubag-loob niya pa.
"S-Sige..." I bit my lower lip again.
"Okay." He chuckled. "So, see you later?"
"Okay..." I heaved a sigh. "See you later. I love you."
"I love you, too."
Matapos n'on ay pinatay ko na ang tawag at bumalik na sa classroom. Naabutan ko pang nagi-ingay ang buong klase kaya sinuway ko pa sila.
Nang mag-tanghali ay nag-uwian na ang lahat dahil half-day lang ang pasok lalo't exam lang naman. Ganoon rin bukas kaya magkakaroon pa ako ng time na gawin ang ibang subject plan.
"'Wag kang kabahan, love," ani Trystan sabay bitaw ng isang kamay niya sa manibela at hinawakan ang kamay ko.
I inhaled and exhaled. Kung maka-arte ako ngayon ay parang first time kong mam-meet ang parents niya kahit parents ko naman talaga ang pupuntahan namin.
"'Wag mo akong pabayaan, ah?" I pouted.
"Of course." Natawa siya. "They're your parents, love. Don't be so afraid. They won't kill you, okay?"
Nakitawa na lang ako sa kaniya para alisin ang mabigat na atmosphere sa kotse. Nakitawa ako kahit pa kinakabahan na ako at gusto kong depensahan ang sinabi niya.
Nang makarating kami sa bahay ay mas tahimik pa sa may dumaan na anghel ang buong bahay. Kumpleto sila dahil nakauwi na pala si Aubri mula sa school. Mukhang magl-lunch pa lang sila kaya saktong-sakto ang dating naming dalawa ni Trystan.
"Sup, Kuya Ken?" bati ni Shayle nang makapasok kami.
"Hey, Ylena!" Nag-high five sila.
"Kadiri naman, Kuya! Second name ko talaga?" Pabirong umirap si Shayle.
"Good afternoon po, Tita and Tito."
Lumapit si Kenzo kina Mama at Papa para magmano. Hindi naman nakangiti si Mama at Papa habang nagmamano sa kanila si Ken. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpaalam sa kanilang magbibihis lang ako.
Nang maka-akyat ako sa itaas ay nagbihis agad ako. Nasa bahay lang naman ako ngunit inayos ko ang suot kong damit. Nagsuot lang ako ng simpleng v-neck black dress. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make up at hinayaan kong lumadlad ang hindi kahabaan kong buhok.
Pagkababa ko ay si Trystan ang bumungad sa akin. Nasa dining na raw sina Mama at nagpaiwan siya dahil hinintay niya ako.
Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Nangunot naman ang noo ko nang makita kong tumaas-baba ang adam's apple niya, mukhang mariin siyang napalunok.
"B-Bakit?" kunot noong tanong ko.
I saw his eyes sparkled. Natawa ako dahil sa reaksyon niya.
"Love..."
"Hmm?"
"Are you Broca's Aphasia?" Mas lalong nangunot ang noo ko. "'Cause you leave me speechless..."
"A-Ang corny mo talaga," pigil ngiting sabi ko.
Kahit naman hindi ko sabihin sa kaniya ay kinikilig na naman ako pati sa mga ganoong banat niya. Wala naman akong alam sa pagiging Neuro ngunit buti na lang ay alam ko kung ano 'yong Broca Aphasia na sinasabi niya.
"T-Tara na nga!"
"Yii, kinilig!"
Natawa kami at sabay na pumasok ng dining. Nilingon nila kami at tumaas naman ang sulok ng labi ni Shayle.
"Naks naman! Ano 'to? May announcement ba?"
Nagkatinginan kami ni Trystan, ngumiti, at sabay na tumango sa kanila. Tumaas ang isang kilay ni Mama at nangunot naman ang noo ni Papa.
"Ano 'yon?"
"M-Ma... Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. D-Dahil malapit na 'yong kasal... Balak sana naming mag-live-in."
Binalot kami ng matinding katahimikan. Sa reaksyon ni Mama ay kitang-kita ko na na hindi nga siya natutuwa sa mga sinasabi ko.
"To know if we're really compatible, Tita. Don't worry, hindi ko naman aaswangin ang anak niyo. We'll wait for the wedding day, don't worry po. Magl-live in-"
"Bakit pa?"
Natahimik kami ni Trystan sa naging sagot ni Mama.
"Mahirap 'yan, Audrienne," singit ni Papa. "Hindi niyo alam kung paano 'yang mga sinasabi niyong 'yan. Mahirap mag-live in lalo kung-"
"K-Kaya nga namin susubukang magsama, Pa, para rin malaman kung makakaya ba namin. K-Kaya rin po nagpaalam kami sa inyo para alam niyo pero final decision na po namin 'yon."
"Gumawa ka ng isang desisyon nang hindi namin alam? Bakit nagpaalam ka pa?"
Naitikom kong muli ang bibig ko. Ginagapangan na ako ng matinding kaba nang mapagtantong mukhang hindi sang-ayon si Mama.
"P-Pero, Ma, kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko. I'm all grown up now, Ma. Ang tanda-tanda ko na."
"O? So, kapag matanda ka na, hindi na namin pwedeng gampanan ang pagiging magulang namin sayo?" Lalong umangat ang kilay niya.
Gusto ko siyang tawanan sa mga oras na ito.
Gampanan ang pagiging magulang nila sa akin? Kailan sila nagpaka-maglang sa akin? Kailan nila ako itinuring na anak nila?
"Hindi biro 'yang mga desisyon na 'yan, Audrienne Faith. Hindi madali 'yang paga-asawa at mas lalong hindi madaling mag-live in lalo kapag hindi niyo pa sure ang isa't isa. E, kung hindi pa pala kayo sure, e, bakit kayo magpapakasal? 'Wag kayong magpadalos-dalos sa mga desisyon niyo sa buhay niyo dahil buong buhay niyo na ang pinagu-usapan natin dito. Kahit kailan hindi magiging madali ang paga-asawa, tandaan mo 'yan," mahabang litanya niya.
Natahimik sina Papa at ang mga kapatid ko. Maski si Trystan na nasa gilid ko.
"Pero, Ma. Kaya nga kami magsasama, 'di ba? Para kapag may problema kami, alam na namin ang gagawin namin."
"Ano 'yan? Trial? Paano kung hindi nagwork, hindi kayo magpapakasal? Katangahan, Audrienne. Matalino ka at sana gamitin mo 'yang utak mo sa mga ganitong sitwasyon. Kung-"
"Pero, Ma! Final na nga 'yon!" sagot ko, naiinis na.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo, gawin mo. Pero, 'wag kang babalik-balik dito kapag narealize mo na tama ang mga sinasabi ko sayo. Sinusumpa ko, magkakatotoo ang mga sinasabi ko, babalik at babalik ka rin dito kapag hindi mo na kaya. Pasasalamatan mo rin kami ng Papa mo."
"M-Ma..."
"Gawin mo na ang gusto mong gawin! Basta, 'wag na 'wag kang babalik dito kapag nagkatotoo ang mga sinabi ko!" huling sinabi niya tsaka siya tumayo at umalis.
"Tama ang Mama mo," segunda ni Papa.
Bumuntong hininga ako at pinanood siyang sundan si Mama. Sunod kong tinignan ang mga kapatid ko na tahimik nang kumakain. Nangilid ang luha ko at hinarap si Trystan para yakapin siya.