bc

My Substitute Bride

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
opposites attract
submissive
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Leandro Buenaventura had everything. Looks, power, money, and a future already carved for him.

As the only heir of the Buenaventura Group of Companies, the empire built by his abuelo, he only needed to fulfill one condition before claiming his inheritance: to get married first.

Madali lang sana. He had a girlfriend for more than three years, the woman he thought he’d spend the rest of his life with. Pero ayaw pa rin nitong bitawan ang pagiging modelo. Hindi siya tumigil sa pagkumbinsi rito hanggang sa napapayag niya rin ito… iyon ang akala niya.

When the wedding day came, the bride was nowhere to be found.

Sa gitna ng eskandalo at pagkadismaya, isang bagay lang ang naiisip niya. Hindi niya puwedeng biguin ang abuelo niya.

So he did the unthinkable.

He grabbed the nearest woman he could find… only to realize it was Kelseay, the runaway bride’s best friend. Before she could protest, he marched her to the judge and declared:

“Matutuloy ang kasal.”

Now bound by a marriage that neither of them asked for, they’re forced to face the consequences of a decision sparked by betrayal… and desperation.

But fate has a funny way of turning disasters into destinies.

chap-preview
Free preview
Simula
Habang suot-suot ang magarang damit, hindi magkamayaw si Leandro sa pagtingin sa kanyang wristwatch. Isang oras na siyang naghihintay sa opisina ng ninong niya. Ang judge na siyang magkakasal sana sa kanila ng nobya niyang si Maureen. “Damn you, Maureen! Where the hell are you now?” inis na sigaw niya. “Chill, brad. Natawagan mo na ba? Baka na-traffic lang,” pagpapakalma sa kanya ni Drake. “Damn! Mag-iisang oras na! Hanggang ngayon wala pa rin? She’s not even answering my calls!” nanggigigil niyang sigaw. “Hijo, sigurado ka bang darating pa ang bride mo? May pupuntahan pa akong meeting mamaya,” tanong ng ninong niyang judge. “Maghintay pa po tayo nang ilang minuto, Ninong. Parating na ’yun,” pagsisiguro niya. Napabuntong-hininga ang judge at napaupo muli. “Come on, Mau, pick up your phone…” gigil niyang sabi. "Your subscriber cannot be reached. Please try your call later." “Goddammit!” galit niyang sigaw saka binato ang phone niya. Narinig pa niya ang tunog na parang nabasag. “I’m sorry, hijo, but I have to go,” ani ng ninong niya habang inaayos ang gamit. “May paparating! Baka si Mau na ’yan!” biglang saad ni Drake. Napatingin siya agad sa pinto, umaasang ang nobya niya iyon, pero ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat niya nang isang babaeng humahangos ang pumasok. “Who are you?” iritado niyang tanong. Bahagya itong natigilan at mabilis na napalunok. Si Drake naman ay biglang napasipol. “I’m Maureen’s best friend. Hindi na raw siya sisipot sa kasal niyo,” diretsong sabi nito. Tila sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ni Leandro ang sinabi nito. “Pardon, please?” halos mabaliw niyang tanong. “Hindi na raw siya sisipot sa kasal niyo,” ulit nito. Doon tuluyang sumiklab ang galit niya. Napakuyom ang kamao niya habang nanginginig na tinitignan ang babae. “This can’t be. Hindi niya magagawa sa ’kin ’to. Hindi puwede!” sigaw niya, halos nawawalan ng ulirat. “Hey, calm down, men. Relax, okay?” awat ni Drake. “f**k! Paano ako kakalma kung pinagmukha niya ’kong tanga kakahintay sa kanya dito, ha? And worst is, hindi niya ako sinipot! Damn it!” gigil niyang sigaw, halos mapaupo sa frustration. “So, I guess hindi na talaga matutuloy ang kasal. Mauna na ako,” sabi ng ninong. “A-alis na rin ako,” paalam ng babae. “Wait!” malakas na sigaw niya, dahilan para huminto ang dalawa. May biglang tumama sa isip niya. Nandito na siya—wala nang atrasan. Matutuloy ang kasal niya. Desperado na kung desperado. “B-Bakit?” kinakabahang tanong ng babae. Lumapit siya agad at sinuri ito mula ulo hanggang paa. Atras-abante naman itong naglalakad habang sinusubukang umiwas. Hanggang ma-corner niya ito sa isang sulok. “You’re going to be her substitute,” seryoso niyang sabi. “Anak ng—?!” sigaw ni Drake. “W-What?” gulat na sagot ng babae. Tinitigan niya ito nang maigi, saka inilapit ang mukha. “I said you’re going to be her substitute. You will be my substitute bride.” mariing sabi niya. Nanlaki ang mga mata nito. Ilang beses pang napakurap bago nakabawi. “N-Nababaliw ka na. Hindi ako papayag. A-alis na ako—” Akmang tatalikod ito pero nahawakan niya agad. “Whether you like it or not, ikaw ang papalit sa kanya. You’re going to marry me,” makahulugan niyang sabi. “Gago ka ba?! Anong nasinghot mo, katol? Tambutso? Anong marry me ang pinagsasabi mo, ha?! Ni hindi pa nga ako nagkakajowa, kasal agad? Nahihibang ka na ba?!” histerikal nitong sagot. “’Oo nga naman, pare! Kalokohan ’yan!” segunda ni Drake. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling tinitigan ang babae. “Marry me,” madiin niyang sabi. “Ang kapal mo! Ayoko sabi eh!” sigaw nito. “f**k! I said, marry me!” “Ayoko nga! Sapilitan?! Wala man lang, 'please'?” “Shut up and marry me, please!” Walang kagatol-gatol niya itong hinila patungo sa judge. “Ikasal niyo na po kami, Ninong. Ngayon na.” “Pero hijo, hindi naman puwede—” “Just do what I said! Ikakasal mo kaming dalawa o sasakalin kita,” banta niya. “Gago ka rin, eh ’no? Demanding pa! Aalis na nga ako—” pagpupumiglas ng babae. “One f*****g scream and you’re dead,” seryoso niyang sabi. Napatigil ito, napatakip ng bibig, at napalunok. “Good. Now, simulan niyo na kaming ikasal, Ninong,” ngisi niya. Sunod-sunod na tango ang judge. “Do you, Leandro Buenaventura, accept this woman beside you to be your lawfully wedded wife…?” sermon ng judge. “I do.” Walang alinlangan niyang sagot. “Do you, uh...what’s your name again?” tanong ng judge sa babae. Napairap ito at napasimangot. “Don,” walang ganang sagot niya. “Don?” sabay nilang tanong. “Don! Don niyo i-share! Tangina niyo!” sigaw nito. Sinamaan niya ito ng tingin. “Last warning. One f*****g scream and you’re dead,” bulong niya. Napatakip ulit ito sa bibig at mabilis na napalunok. “K-Kelseay C-Cordova…” kagat-labi nitong sagot. Napangisi siya. “Okay. Do you, Kelseay Cordova, accept Mr. Leandro Buenaventura—” “Ano na lang sasabihin ni Itay kapag umuwi akong kasal na?” naiiyak na bulong nito. “We’re waiting. Say that f*****g ‘I do’ nang matapos na tayo,” inis niyang sigaw. “P-Patawad… Itay… I-I do…” nakapikit nitong sabi. Lumawak ang ngiti ni Leandro. Si Drake naman ay napahiyaw pa sa tuwa. “By the power vested upon me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your—” Hindi niya na pinatapos ang judge. Walang sabi-sabing hinila niya si Kelseay at masuyong hinalikan. “Nice to meet you, wife,” nakakalokong sabi niya pagkalayo ng kanilang mga labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook