Leandro
Mabilis ang naging paggalaw ko kaya hindi na siya nakapalag pa. Halos manlaki ang maliliit niyang mga mata nang pumatong ako sa ibabaw niya. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang naaaliw ako kapag nakikita ko siyang naiinis. Sunod-sunod ang paglunok niya habang titig na titig sa akin. Kaunti na lang at magtatama na ang mga labi namin. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang malakas na t***k ng puso niya.
Dahan-dahan kong hinila ang telang nakabalot sa mukha niya. Doon agad sumilay ang mapupula niyang labi. Mga labing tila nanunukso, para bang nag-uudyok sa sistema kong tuluyan ko na siyang angkinin.
Unti-unti akong yumuko, palapit nang palapit sa mukha niya.
“S-Sinasabi ko sa’yo… ‘wag na ‘wag kang magkakamali,” pananakot niya. Akmang tatakpan niya ang labi niya ngunit mabilis kong pinigilan ang kamay niya.
“You’re driving me crazy, sweetheart. I want to taste those lips again,” bulong ko.
And in just a snap, our lips met.
Sumabog ang sensasyon sa buong sistema ko. Nadala ako sa init at pananabik ng sandaling iyon. Sa una, hindi siya gumagalaw kaya mas idiniin ko pa ang aking halik. Ramdam kong pumipiglas siya pero mas malakas pa rin ako.
Hanggang sa unti-unti siyang nagpaubaya at kaagad napakapit sa batok ko.
Ngunit ilang sandali pa, isang malakas na katok ang umalingawngaw kaya mabilis niya akong itinulak. Tumilapon ako pabagsak sa sementadong sahig.
“Aray naman!” napasigaw ako. Ramdam ko ang lupit ng pagkakabagsak.
Kaagad siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. Pagbukas ng pinto... si Dad.
“Tatay!” halos pasigaw niyang bati habang nag-aayos nang taranta.
“Aba’y ano bang ginagawa niyong dalawa? Bakit nakasalampak ka sa sahig, Mr. Buenaventura?” turo ng matanda sa akin. “Siguro may ginawa kayong kababalaghan, ano?” dagdag pa niya.
“T-Tatay naman! Anong kababalaghan po? Wala nga akong balak patulan siya!” mabilis na angal ni Kelseay. Pero halatang hindi kumbinsido si Dad dahil palipat-lipat ang tingin niya sa amin.
At ako naman, binigyan niya ng makabuluhang tingin. Alam ko ang binabalak mo, iho.
“Hala, alam ko namang kasal na kayo at alam ko ang ginagawa ng mag-asawa,” panimula niya. “Wala akong tutol diyan. Gusto ko na ring magkaapo bago ako tumanda nang tuluyan. Pero gaya ng sinabi ko sa’yo, Mr. Buenaventura… hindi ko muna ipapaubaya sa’yo ang anak ko hangga’t hindi mo napapatunayan ang sarili mo. Hindi pa tapos ang mga pagsubok ko sa’yo.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“Kaya ngayon,” dagdag niya, “hindi muna kayo magtatabi sa isang kama. At lalong hindi ka pwedeng maka-iskor. Doon ka matutulog sa sala.”
Gusto kong magprotesta pero tinangay na niya ang unan at kumot ko. Nakalabas na siya ng pinto bago pa ako makapagsalita. Si Kelseay naman, parang nanalo sa raffle nang makita akong pinalalabas.
“Ano ka ngayon? Akala mo ha?” bulong niya sabay dila. Napairap na lang ako at tumayo.
Pero bago ako lumabas, inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
“Saved by your Dad, huh?” bulong ko. “But I’ll assure you, next time, wala ka nang kawala. Marami pang pagkakataon… so be ready. Wet dreams, sweetheart. Dream of me.”
“Bangungutin ka sana!” pahabol niyang sigaw.
Paglabas ko, narinig ko pa ang pagkakandado ng pinto.
Great. Kung kailan malapit na, saka pa dumating si Dad. At ngayon pa na isang buwan lang ang ibinigay niya sa akin. Kailangan kong kumilos.
Pagdating ko sa sala, nakita ko si Dad nanakapameywang, seryoso.
“Pwede ba kitang makausap?” aniya.
“Sure, Dad.” Naupo akong katabi niya.
“Alam mo, hijo,” panimula niya, “nag-iisang anak ko lang si Kelseay Jade. Simula nang mamatay ang asawa ko, ipinangako kong aalagaan ko siya. Mahal na mahal ko ‘yang batang ‘yan. Halos hindi ko nga dinadapuan ng lamok noon.”
Nag-init ang dibdib ko sa bigat ng tinig niya.
“Kaya sana… ingatan mo rin siya. Kagaya ng pag-ingat ko.”
Hindi ko man gusto, napayuko ako.
“At isa pa,” dagdag niya, “alam kong may nililihim kayo sa’kin. Kilalang-kilala ko ang anak ko. Alam kong hindi pa ‘yan nagka-nobyo kahit kailan. Kaya noong nakita kita… naniwala akong disente kang tao. Na kaya mong bigyan siya ng marangyang buhay.”
Namuo ang luha sa mata niya. Ako naman—naistorbo ng sariling konsensya.
“D-Dad…” natigilan ako, pero kusa na lang lumabas ang mga salita:
“Pinapangako ko po sa inyo na aalagaan ko siya. Gagawin ko po ang lahat para sa kaniya. At hinding-hindi ko po siya sasaktan.”
Sa utak ko? Nagpapanic na ako.
Damn it, Leandro! Bakit ka nangangako?! Alam mong panandalian lang ‘to!
Ngumiti si Dad at tumango.
“Aasahan ko ‘yan, hijo. Dahil oras na saktan mo ang anak ko… babangon ako mula sa hukay para pagbayarin ka.”
Tumayo na siya at pumasok sa kwarto, iniwan akong tulala—
at inuulit-ulit sa isip ang mga sinabi ko.
“Pinapangako ko po… hinding-hindi ko siya sasaktan.”
What the hell was that all about, Lean?
Promise? Love her?
You're unbelievable.