MOMMY ARIYA BIRTHDAY PARTY
Chapter One
-JAX-
"Migs will consume everything and you won't have anything left to live, is that clear?" Utos ko sa aking kanang kamay bago ako umalis sa lugar. Hindi ako pwdeng malate sa birthday celebration ni Mommy Ariya dahil siguradong kagagalitan ako nito. Ayoko rin naman magalit ito sa akin dahil mahirap ito lambingin, maging si Daddy ay nahihirapan dito oras na magalit ito sa aming magkakapatid dahil siguradong ito ang masisisi sa aming mga pagkakamali, at s’ympre kami naman ang malalagt kay Daddy oras na mangyari iyon kaya naman iniiwasan naming magkasala dito dahil talagang may meron hindi magandang mangyayari.
Mula ng makilala ko ang tunay kong ama ay buong puso naman kaming tinanggap ng asawa nito at ang hindi namin inaasahan ay ituring kami ng mga anak nito. Kahit ang ibang kapatid ko sa ama ay ganon din ang pagtrato nito at palagi nitong pinapakita ang kanyang pagmamahal at pag-aalala sa aming lahat. Sobra kami nitong minahal at walang araw na hindi ito tatawag para magpaalala na palagi kaming mag-iingat lalo na sa trabaho naming sobranf telikado. Hindi rin kasi lingid dito kung anong klaseng pagkatao meron kaming mga anak ng aking ama na isa ring lord mafia, at nagappasalamnat kami ng buong puso at walang pag-aalinlangan na tinanggap kami rito kahit pa hindi kami nito tunay na mga anak.
Kung tutuusin wala na dapat itong pakialam samin dahil anak lang kami ng asawa nito sa labas, pero kaylan man ay hindi nito pinakita o pinaranas na iba kami sa kanya. Bukas ang dalawang kamay nitong pinapasok kami at pinaranas ang mag karoon ng isang Ina kayang tanggapin ang lahat ng aming mga kakulangan. Kaya naman bilang kapalit ay binibigay namin dito ano man ang nais nito para na rin sa ikakabuti naming lahat, iginalang namin ito bilang tunay na ina at lahat ng ayaw nito ay hindi namin ginagawa ng sa ganoon ay hindi ito tuluyang magalit sa amin. Kahit si Daddy ay walang tutol ano amn ang nais ni Mommy Ariya para sa aming mga Anak niya, kahit s’ya pa ang tunay naming ama.
Tulad ngayon ay pinauwi kaming lahat dahil sa kaarawan nito kahit na may edad na ito ay hindi mo makikitaan ng pagkatandaan, likas pa rin ang ganda nito at hindi rin makikita dito ang pagiging matanda kahit pa wala itong koloreta sa mukha. Mga likas na herbal ang mga ginagamit nitong mga pangpaganda at hindi ito mahilig pumunta sa mga clinic para magpaayos ng kanyang mukha o para bigyan ng kuna no-ano para lang manatili ang kanyang kagandahan. Masigla pa rin ito at kaya pa rin kaming paluin sa puwet sa tuwing nagkakamali kami o hindi sumusunod sa utos nito, sa totoo lang ay malupit din itong magparusa lalo na sa aming mga anak n’ya kaya wala talagang nangangahas na suwayin ito kahit na kaylan.
Masaya akong nakikita ko ito dahil sa katulad din ito ng aking nasirang tunay na Ina, maalaga ito at palaging inuuna ang kapakanan naming lahat bago ang sarili, kaya palagi silang nag-aaway ni Daddy sa tuwing naglilihim ito sa kanya ng dahil sa mga transaction na meron kami na hindi pwdeng malaman ni Mommy. Nahihirapan kasi minsan kaming ipaliwanag dito ang mga bagay-bagay na alam naming hindi naman nito agad naiintindihan kaya nagkakaroon kami ng iba’t-ibang dahilan ng sa ganoon ay hindi nito malaman ang iba pa naming mga transaction. Papasok na ako sa gate ng matanaw ko na ang party para sa aking Ina. Malalakas ang music at maririnig mula doon ang mga paborito kanta ng aming ina. Napapangiti naman akong pumasok at nasasabik ko na rin itong makita, lalo pa at ilang buwan akong himndi umuwi ng lumang mansion para mabisita ito. Alam kong nagtatampo din ito sa akin pero alam ko naman kung paano bumawi dito ng hindi rin naman nito maaalala ang tampo nito sa akin. Papasok na ako sa loob ng harangan ako ng tatlo kong kapatid na sila Julo, Jemil at Jehem. Nagtataka pa ako dahil ibang tingin meron ang mga ito na hindi ko agad mahulaan. Kuno’t noo ko naman ito tinignan, pero naka ngisi lang ang mga gago sakin, iba din kasi ang saltik ng mga ito minsan.
“Anong ngisi yan at mukha kayong mga aso?” Inis kong salita sa mga ito, nagkatinginan ang mga ito at saka sabay-sabay na sinamaan ako ng tingin. Wala naman ako sa mood makipagbiro sa mga ito dahil sa pagod din naman ako ngayong araw, marami akong tinapos na paper works kanina sa office ng sa ganoon ay makapagstay pa ako ng matagal dito sa mansion ng aming mga magulang.
“Maybe you have something to tell us before you go in?” Madilim ang mukah ni Julo at sa aito tumingin sa mga kapatid namin. Napapalibutan ako ng mga ito kaya naman napapaisisp talaga ako kung an oba ang kailangan ng mga ito sa akin dahil talagang naiinis na rin ako. Sa klase ng pagtatanong ng mga ito ay para akong may tinatagong magnanakaw na hindi nila alam. Grabe din ang mga ito magtanong sa akin talagang kikilatisin ka at wala kang magagawa kung di ang magsabi ng totoo sa kanila.
“What do you want to know?” Sagot ko at saka napapakamot na rin ko sa aking batok dahil sa pinasasabi ng mga ito. Hindi ko talaga kung ano ang dapat kung sabihin sa mga ito dahil naguguluhan na talaga ako, wala akong maalala na ginawa sa mga ito para ganito nila ako tangungin. Ito pa naman ang ayoko ang tatanungin ako ng wala naman akong maisagot dahil sa wala talaga akong alam.
“Regarding the girl named Marie, we heard that she doesn't want to stop courting you. Pero biglang nawala ang dalanga ng hindi alam kung anong dahilan?” Seryosong tanong sa akin ni Julo at tumingin ng may buong pagtataka sa kanyang mata. Napabuga naman ako ng hangin dahil ayoko pa sana magbiay ng details about that girll na bigal na lang din nawala ng hindi ko nalalaman. Sa totoo lang ay wala pa akong idea kung nasaan ba ito ngayon o kung bakit ito biglang umalis ng hindi man lang nasasabi sa akin.
“Pero nalaman na rin namin na pinahahanap mo na rin ito ngayon, pero tama bang hind imo makita ang girl dahil ba sa ayaw na rin naman nitong magpahanap sayo?” Kasunod naman na tanong sa akin ni Jemil. Para naman ako natulos dahil mukhang alam na rin ng mga kapatid ko ang ginagawa akong paghahanap sa dalaga. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang boses ni Mommy.
“Mabuti naman at naalala pa ninyo akong puntahan sa mismong kaarawan ko. Aba! parang hindi n’yo ako ina ha, hindi kayo nagsasabi kung saang lupalob ng mundo kayo naroroon. At anong akala n’yo sa akin sa ha, hindi ako mag-aalala sa inyo?” Nakasimangot na salita ni Mommy sa aming apat, nagkatinginan kami at kaming apat at saka ngumiti na lang kay Mommy at niyakap namin itong tatlo ng sa ganoon ay humupa na rin muna ang galit nito sa amin.
“Happy birthday to my most beautiful Mommy in the whole world.” Masayang sambit ni Jemil at saka nito hinalipakna sa pisngi. Napanguso naman si Mommy at hindi naniniwala sa sinabi nito.
“Happy birthday Mom, I love you so much and sorry nalate ako. Nagkaroon ko kasi ng problema sa flight ko.” Hinging paumanhin naman ni Jehem at saka inabot dito ang kanyang hawak na regalo. Nagulat pa si Mommy sa dalagang regalo nito.
“Happy birthday Mommy, I miss you po.” Nakangiti namang sagot ni Julo at saka binigyan ito ng bulaklak na paborito nito. Saka nito niyakap ng mahigpit si Mommy na ikinangiti na lang din nito sa aming apat.
“Happy birthday Mom, I miss you ang I love you so much you are the best Mommy in the universe.” Malambing kong salita dito at saka ko ito niyakap at saka isinuou ko dito ang isang kuwintas na ako mismo ang gumawa. Napatingin ito sa kuwintas at saka nito pinakatitigan, napangiti naman ako dito dahil alam kong nagustuhan nito ang aking gift. Isa lang iyong simpleng white gold na neckless na may pendant na name nito na may heart sa tabi. Nagpasalamat ito sa aming lahat at saka nito pinunasan ang kanyang luha, ganito si Mommy kaimostional kapag kompleto kaming mga anak n’ya.
“Let's go inside Mommy, your Amiga’s must be waiting inside.” Dag-dag pa ni Jehem dito at inalalayan pa ito pumasok sa loob, at nagkunwaring makita na masaya ang mga amiga ni Mommy.
“It's even better to meet the daughters of my friends. I am sure you will like them because they are beautiful and kind.” Masayang salita ni Mommy sa amin, madalas kasi ireto kami nito sa mga anak na babae ng mga amiga nito. Hinayaan na lang naming ito dahil hindi naming kayang bastusin ito sa harap ng maraming tao. Napapailing lang akong sumunod sa mga ito, pero nagulat ko ng bumulong sakin si Jemil.
“Make sure the girl you like is not an enemy.” Sabi nito naikinahinto ko sa paglalakad. Makahulugan ko naman itong tinignan pero umalis na rin ito sa aking tabi, malalakas makakutob ang mga kapatid ko kaya natitiyak kong madali lang nila malalaman ang mga tinatago ko. Napahawak ako sa bewang ko at saka muling naipiling na lang sa kawalan dahil sa hindi ko rin maipaliwanag na pakiramdam. Napasilamos ako sa aking mukha ng mapagtanto ko ang mga pangyayari. Dahil ang babaeng sinasabi ng mga kapatid ko ay walang iba kung di si Marie Del Carmen, ang anak sa labas ni Rafael Del Carmen ang napatay ko tatlong taon na ang nakakalipas.
Nang makapasok na kaming sa garden kung san nagaganap ang party para kay Mommy, makikita ang mnga taong malalapit sa pamilya namin. Hindi gusto ni Daddy ang party pero dahil marami na ring kaibigan si Mommy ay hinayaan na lamang niya ito. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy kaya lahat ng maisipan ng aming ina ay binibigay dito. Sa ganitong paraan bumabawi ang aming ama dahil alam nito sa kanyang sarili na malaki ang kanyang pagkukulang kay Mommy Ariya. Hindi ko na rin inalam pa kung ano ang ginawa nito pero alam kong malaki ang naging kasalanan nito sa aming ina,m pero likas na kay Mommy ang pagiging mabait ay nagawa nitong patawarin ang aming ama.
Tahimik akong umiinom ng wine sa tabi ng swimming pool ng makita ko si Mommy na hila-hila si Jemil sa isang mesa na puno ng mga kababaihan. Siguradong ipapakilala naman nito sa isa sa mga anak ng kanyang amiga. Nakita kong tumayo ang isang babae at nakipagkamay kay Jemil. Maganda rin ang naging ngiti ng babae dito ngunit isang plastic na ngiti naman ang binigay ng kapatid ko. Natatawa nalang ako sa tuwing makikita ko kung bakiit ganito si Mommy sa aming mga anak niya isa lang naman ang dahilan nito. Ito ay dahil sa ngustong-gusto na makiti Mommy na may babae kaming makakasama sa buhay at ayaw nitong makita kaming naglalaro ng mga kababaihan.
Umalis na ang dalawa at lumayo kila Mommy sa mga ganitong sitwasyon ay binagbibigyan nalang muna naming si Mommy dahil wala kaming magagawa sa nais nito, isa pa ay kaarawan nito ngayon kaya naman lahat ng gusto at nais nito ay aming ibibigay ng walang pag-aalinlangan. Hanggang sa napapadami na ang inom ko ng lapitan ako ni Daddy kasama ni Julio at parehong may dalang alak.
“Son, what are you doing here and you're alone?” Tanong ni Daddy sakin at gumilid at para hanapin si Mommy kung san ang puwesto nito. Ibang klase din kasi ito magbantay kay Mommy Arriya, at ayaw na ayaw ni Daddy na nawawala sa paningin nito si Mommy. Siguradong magkakaroon ng digmaan kung sakaling si Mommy ang mawawala o makukuha ng aming mga kalaban.
“Alam mo Daddy, sa tingin ko nagtatago yan dito kasi narinig n’yang irereto na naman sila sa mga babaeng naritito.” Natatawa naman sambit ni Julio akin na ikinalingon ko na lang din dito. Napangiti na lang din sa akin si Daddy dahil na rin sa binggit ni Julio. Si Julio ang tunay na anak nila Daddy at Mommy Arriya nag-iisa lang ito at hindi na pa nagkaroroon ng pagkakataon na masundan pa ito dahil sa nagkaroon daw ng problema si Mommy sa kanyang mattress.
“Ibang klaseng ina din yang Mommy n’yo sinabihan ko na rin yan na hayaan kayong kumuha ng babaeng mamahalin n’yo dahil hindi rin biro ang fix marriage na tulad sa nangyari sa amin noon” Pagpapaliwanag ni Daddy habang nakatingin sa aking ina na ngayon ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan at malalapit na kakilala.” Senyosong salita sa amin ni Daddy, na ikinatango ko na lang din dito nag cheers na rin kaming tatlo at saka ako napatingin muli sa kawalan dahil hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Marie, nawawala pa rin ito hanggang ngayon at alam kong galit ito sa akin dahil sa nagawa kong pagpaslang sa kanyang ama.
“Sa tingin ko naman Daddy, titigil lang si Mommy sa kakareto sa aming lima kung makikita nitong may mga babae na kaming magiging kasintahan o asawa. Pero wala akong makitang kagaya ni Mommy sa lahat ng mga babaeng nakakasama ko.” Paliwanag naman ni Julio habang umiinom ng alak na kanina pa rin nitong hawak. Napatingin ako dito subalit sa kawalan ito nakatingin at mukhang malalim din ang kanyang iniisip, mukhang tulad ko ay may babae din itong gustong makita at makasama.
“Mga anak, mahal lang namin kayo kaya lahat ng makakabuti ay iniisip na rin namin para sa inyo. Ayokong matulad kayo sa akin na nasaktan ko muna ang babaeng mahal ko, bago ko magpagtanto kung gaano ko pala ito kamahal at kung gaano rin ito ka inportante sa buhay ko.” Makahulugan sambit nito sa aming dalawa ni Julio. Kung titignan ang mat ani Daddy na nakatingin kay Mommy ay makikita don na meron nga itong pinagsisihan na hindi nito masabi sa amin kahit pa mga anak kami nito.
“Basta isa lang ang lagi n’yong tatandaan kung kasaling makilala na n’yo ang inyong mga magiging reyna. Maraming babae at alam kong kaya nilang gumawa ng paraan para makasama at makilala kayo. Subalit tandaan n’yong may isang babae lang ang nakalaan sa bawat isa sa inyo at kapag alam na ninyo s’ya yon ay huwag ninyong hayaan na masaktan sila ng dahil lang sa pagkakamali na hindi naman dapat nangyari.” Dag-dag pa nito na ikinatingin namin dalawa ni Julio dito. Makahulugan ang mga binibitawan nitong salita kaya naman talagang napapaisip ako kung ano ang story ng dalawang ito at mukhang magandang malaman.
“Huwag kang mag-aalala mag-aasawa kami at titiyakin naming kasing ganda at bait ni Mommy. Hahanapin ko talagan ang tulad n’ya ng sa ganoon hindi sumakit ang ulo kung saka-sakaling maisipan kong magloko.” Malokong sagot naman ni Julio sa amin, mabilis napalingon dito si Daddy at sinamaan ito ng tingin. Nagtatakbo namang umalis ito ng makitang ibang klaseng tingin ni Daddy dito, mabilis itong nawala sa paningin namin kaya naman sa akin napokus ang tingin ni Daddy.
“Pasaway talagang ang isang yon.” Naiinis na sambit ni Daddy sa kawalan, ako naman ay natatawa na lang dahil hindi ko akalain na masasabi ito ni Julio. Napainom na lang ulit ako ng alak at saka hindi ko na lang muna iniisip ang sinabi ng aking kapatid na siraulo minsna kausap. Pero dahil sa pagiging babae nito ay hindi rin malabong matulad ito kay Daddy na magkakaroon ng mga anak sa labas dahil sa pagiging mahilig din ng isang ito. Natahimik na lang muna ako at maging si Daddy ay wala rin munag kibo at nakamasid lang din ito sa buong paligid, walang naging bisita si Daddy dahil sa nasa ibang bansa ang mga kamag-anak nito na hindi daw makakauwi dahil na rin sa busy ang mga ito.
“Kung sakaling makita mo ang babaeng hinahanap mo iharap moa gad s’ya sa Mommy mo at siguradong mapapasaya mo ng sobra ang iyong ina.” Pahabol pa nitong salita bago ito umalis sa aking tabi at saka tinapik pa ako nito sa aking balikat. Napatulala lang ako dito at naiwan pa nga sa ere ang hawak kong alak na balak ko na rin sa ng inumin. Sinundan ko lang ito ng tingin pero mabilis na rin naman itong nakalapit sa aking ina at nakita kong hinalikan niya ito sa kanyang labi na ikinasaya naman ng mga taong naroroon. Masya akong pagmasdan ang mga ito na kahit matatanda na rin ay makikitaan pa rin ng magiging sweet sa isa’t-isa. Sana lang ay maging ganito rin kasaya ang buhay ko kung sakaling mag-aasawa ko. Pero bigla naman ako napatayo ng makita kong may isang babaeng nakita kong pumasok ng mansion na kamukhang-kamukhan ni Marie. Bigla akong pumasok sa mansion para sundan ang babaeng nakita ko, pero nalimot kona ang buong mansion ay wala akong nakitang babae na kamukha nito, nagtanong na rin ako sa mga kasambahay namin kung meron ba ditong pumasok na maputi at magandang babae na nakasuot ng tulad ng kanilang damit. Subalit pagtataka lang din ang makikita sa mga ito na wala din akong nakita kahit pa ay wala din daw nakita ang mga ito ayon sa muling kong libutin ang buong mansion ng mga magulang ko.
Napapailing ako at napapakamot na rin sa batok ko ng maalala na halos ilang taon ko na itong pinahahanap pero kahit anong balita kung san ito naroroon ay wala akong makuha. Natitiyak kong meron malaking taong humaharang sa mga imbestigasyon ko para dito, at kung sino man s’ya ay kailangan ko iyong malaman ng sa ganoon malaman ko rin kung magiging kalaban ko nga ba ang babaeng yon o hindi. Hindi rin naman ako titigilan ng mga kapatid ko oras na maunahan ako ng mga ito sa information na kailangan ko sa babae yon. Magaling itong magtago pero alam kong kaya ko pa rin ito mahanap.
“Pero hindi ako susuko makikita kita at ibabalik kita sa tabi ko kahit ano pa man ang mangyari sa hinaharap.” Sambit ko sa aking isipan at muling tumingin ako sa buong paligid. Nasa ganoon din akong sitwasyon ng maalala ko ang lahat.