Chapter Twenty-five -Gemma- Magdadalawang linggo na pero wala pa ring malay sila Boss mother, Nicole at Mich. Naririto ako ngayon sa kuwarto ng dalawa kong kaibigan, marami silang sugat at tama ng baril pero mabuti na lang at walang matinding pinsala sa kanila. Halos mapuno ng pasa ang buong mukha ng mga ito. Natitiyak kong pagnalaman ito Mich siguradong uubusin nito ang lahat ng sumuntok sa kanya dahil ayaw nitong may sumisira sa maganda daw nitong mukha. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ang kulitan naming apat lalo na kapag napipikon na si Boss mother at hahabulin na kami ng putok ng baril. Matagal na rin ang pinagsamahan naming at masasabi kong daig pa naming ang tunay na magkakapatid. Hindi maawat na galit ang aking nararamdaman nung makita ko ang mga ito na naliligo sa sari

