Chapter Seven -Marie- “Finally, pagkatapos nito ay tuluyan na akong lalayo kahit sobra kang mahalaga sa buhay. Pero huwag kang mag-alala kahit nasa malayo ako ay kaya parin kitang bantayan mahal ko.” Banggit ko sa aking sarili habang papalapit sa lalaking ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Andito ako ngayon sa pad ni Jax para gawin ang isang bagay na alam kong ikakagalit nito sa akin pagdating ng araw, pero ito na lang ang natitirang paraan para mapasa akin siya ngayong gabi. Isa mang katangahan ang gagawin ko pero gusto ko pa rin subukan kung kakayanin ko nga ba ang isang Jax De Lana? Bago pa man ito dumating kanina ay nakapasok na ako sa pad nito para ihanda ang mga kailangan kong gawin. Kabiso ko ang pasikot-sikot dito dahil madalas akong tumatambay dito dati kaya na

