Chapter Twelve -Marie- Papasok ako ngayon sa bakuran ng aming bahay pero sa tricycle pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa mga anak kong naglalaro sa maliit naming garden kung saan pwde pa naman sila maglaro kung gugustuhin nila ng sa ganoon kahit na umalis ako ay alam kong ok pa rin naman na iwan ko sila. Saka panatag naman ako kahit pa iwan ko ang mga ito dahil may mga tauhan akong nakabantay sa mga ito kapag kailangan kong umalis ng biglaan lalo pa at gabi pa. Iniwan ko kasi ito kagabi ng tumawag sakin si Jacson ang pinsan ko sa Ina na hindi alam ng karamihan. Ang pamilya kasi ng aking Ina ay hindi kilala sa lipunan na tulad ng aking Ama, kaya naman walang nakakakilala sa mga kamag-anak nito at sinadyang itago rin sa halos lahat ng taong nakakakilala sa amin. Nakila

