Chapter Twenty-One -Jax- Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa sala, dahil hindi ko alam kung nasaan na ngayon si Marie, hindi kasi nito dala ang cellphone ng umalis ito kanina sa hapagkainan. Nasermonan ko tuloy ang triplets dahil sa hindi nila pagpansin sa kanilang Ina. Napapahilamos ako sa aking mukha dahil sa nararamdamang inis ngayon, isa pa naman sa ugali nito ay ang magaling magtago ang hirap itrack nito, kahit ang triplets ay sinusubukan itong ilocate pero hindi nila alam kung saan ito ngayon. “Daddy, tawag sakin ng triplets na ngayon ay nakatayo sa may hagdanan. Ayaw kong pagalitan ang mga ito dahil alam kong bata pa rin ang mga ito at kung minsan ay hindi pa rin nila alam ang tama at mali. “Com here triplets.” Tawag ko sa mga ito sa kalmadong boses. “Daddy, I'm sorr

