Chapter Fifteen -Marie- Mabilis ang naging pagkilos ko para lang mailagan ang mga balang dapat na tatama sa akin ngayon subalit dahil lumaki na rin naman akong nakikipaghabulan sa mga bala ay madali na rin naman ang mga ito para sa akin. Hindi ko naman sinasabing ganoon ako kagaling o katapang pero alam kong kaya ko pa rin silang labanan kahit pa gaano sila karami o kagaling. Naririto kasi kami ngayon sa isang hide out sa Italy at s’ympre kasama ko parin ang tatlo kong mga tauhan wala naman kasi akong ibang makakasama na iba at isa pa ay tiwala ako sa kanilang tatlo kaya naman sa anong mang laban ako ay sila lang din ang gusto kong palaging kasama. Mula kasi ng malaman ko ang totoong nangyari kay Jax ay hindi na ako tumigil para ipaghiganti ito at tanggalan ng karaptang mabuhay ang lah

