Chapter Twenty-seven -Marie- Mula nang magkamalay ako ay naging maayos ang lahat sakin, pero hindi samin ni Jax. Pero masakit parin isipin na magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig kay Jax kung ano meron kami ngayon. Wala naman ako masasabi sa pagiging mabuting Ama nito sa triplets at nakikita ko rin ang pagiging disiplinado ng mga ito. Tahimik akong nakatanaw sa kawalan at maraming gumugulo sa aking isipan hindi ko maintindihan kung ano talaga ang dapat kong maramdaman ngayon, isa lang naman ang hanggad ko ang magmahal at mahalin din ng taong gusto mo. Bumuntong hininga ako bago binalikan ang mga ala-ala bago kami umuwi sa bahay ni Jax. Ang sabi ni Jax ay sa mga magulang niya ito tumira habang nasa hospital pa ako, naging busy rin kasi sa pagbabantay sakin at sa pagt

